Chapter 3

2322 Words
Maaga na nagising si Alex kinabukasan para muling maghanap ng trabaho. Naging ganito ang routine niya sa nakalipas na linggo at kahit wala siyang napapala ay nagpapatuloy pa rin siya para lamang mabuhay sila. Hindi niya alam kung bakit hindi siya laging pinapalad na makapasa sa mga interview pero dahil wala sa bokubolaryo niya ay susubok muli siya. Pagkatapos magbihis ay agad na lumabas ng kuwarto niya si Alex. Naabutan niya ang ina sa may hapag na mag-isang nagkakape habang nakatingin sa kawalan, tahimik na lumapit siya dito at naupo sa upuan, agad naman siyang napansin ng ina niya at nakangiti na binati siya. “Saan ka pupunta?” tanong pa nito nang makita ang suot niyang long white sleeve polo shirt na nakatiklop ang sleeves hanggang sa may siko niya at black na slacks. Nakasuot din siya ng black leather belt and black shoes at maayos ang pagkaka-wax ng kanyang buhok. “Mag-a-apply. Si Papa ba hindi pa rin umuuwi?” sagot naman ni Alex saka tinignan ang mga pagkain na nasa lamesa. Itlog na scrambled, ham na apat na piraso saka pandesal. Naglakad siya patungo sa sink para kumuha ng tasa at maglagay ng tubig saka bumalik sa lamesa at naupo sa harapan ng ina niya. “Hindi ko alam. Hindi na siya tumawag simula nong sabihin ko na wala siyang mapapala sa pagsunod-sunod niya kay Luis Sandoval,” sagot nito sa kanya. Hindi umimik si Alex at nagtimpla na lamang ng 3-in-1 na kape. Habang pinapalamig iyon ay kumain muna siya ng pandesal na pinalamanan niya ng itlog habang ang ina niya ay nagbasa na lamang ng dyaryo. Nang mabusog siya ay inubos niya muna ang kape niya bago tumayo at hugasan ang pinaggamitan. Nag-sipilyo din muna siya bago magpaalam sa ina na tahimik na tumango lamang sa kanya, hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Huminga ng malalim si Alex saka naglakad palabas ng kusina, kinuha niya ang bag na nasa sofa saka nagtungo sa pintuan, Around 8 A.M nang makarating si Alex sa unang kompanya na pag-a-apply-an niya. Matapos kausapin ang receptionist ay binigyan siya nito ng form para fill-up-an niya. Naupo siya sa bakanteng upuan na una niyang nakita kasama ang mga katulad niyang aplikante. Nang matapos ay tahimik siyang naghintay hanggang sa matawag ang pangalan niya. “Mr Alexandre Castro?” Huminga muna siya ng malalim bago tumayo. Inihanda niya ang ngiti saka sumunod sa recruiter, inihatid siya nito sa interview room at doon nakita niya ang isang babae na magdidikta ng kapalaran niya ngayong araw. Ngunit tila hindi umaayon sa kanya ang kapalaran dahil matapos niyang sabihin na hindi siya naka-graduate ng high school at walang maipakita na diploma ay hindi na siya pinatuloy pa sa proseso. Nakangiti na nagpasalamat siya dito saka nakayuko na naglakad palabas ng gusali. Huminga siya ng malalim nang tuluyan siyang makalabas saka napatingala sa kalangitan. Hindi siya mahina. Hindi rin siya basta-basta sumusuko dahil marami na rin siyang problema na nalampasan. Marunong siyang magtiis at magtyaga dahil buong buhay niya ay nagparaya siya sa kakambal na si Alyssa. Malakas siya at alam niya sa sarili niya na kaya niyang tanggapin ang lahat ng rejections na binibigay sa kanya ngunit katulad ng matatag na puno ay humihina rin siya at napapagod. Lalo na kung wala man lang siyang masandalan at malapitan. Kailangan ni Alex ng outlet, kailangan niya ng may malalabasan pero sino at paano? Ang mga kaibigan niya noon sa Aldwyne ay may kanya-kanya ng buhay at kahit pa laging sinasabi ng iba na magaling siyang makisama ay wala naman siyang naging kaibigan dito sa Metro. Wala kahit isa. Nakayuko si Alex habang naglalakad kaya hindi niya napansin ang pagtigil ng isang babae sa unahan niya. Tila lumilipad din ang isipan niya at kung hindi niya pa naramdaman ang paghawak ng malambot na palad sa braso niya ay hindi niya ito mapapansin. “Alex?” dinig niyang wika ng magandang boses na kilalang-kilala niya. Tuluyan na siyang tumigil sa paglalakad at mabilis na nag-angat ng tingin dito. “Erica?” hindi makapaniwala na wika niya dito. Nanlalaki ang mga mata habang nakatingin siya sa magandang mukha nito na nakangiti. Nakalugay ang mahaba nitong buhok, may make up ang mukha at nakasuot ng white tube na pinatungan ng black na blazer at black jeans. Matangkad si Alex sa height na 5’11 habang 5’8 naman si Erica ngunit dahil nakasuot ito ng heels ay naging magka-height sila. Malaya tuloy na napagmamasdan ni Alex ang maganda nitong mga mata. “What are you doing here?” muling wika ni Erica na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Nagbaba ng tingin si Alex saka tila nahihiya na napahawak sa batok nito. Pasimple na tinignan niya ang sarili at hindi maiwasan na maramdaman ang panliliit sa sarili. “May kasama ka ba?” dinig niyang tanong pa ng dalaga. “Hindi ako lang. Naghahanap ako ng trabaho. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” tugon ni Alex sa kaharap. Nakita niya ang lalong paglapad ng ngiti ni Erica bago ito sumagot. “This is my dad’s company.” Lalong nanliit sa sarili si Alex. Hindi naman siya iyong tipo ng tao na madrama pero sa mga oras na iyon ay parang gusto na lamang niya maglaho. Matagal na siyang may nararamdaman na paghanga para sa dalaga, nagsimula iyon noong unang beses niya itong makita ngunit dahil kaibigan ito ng kapatid niya ay hindi niya pinagtuunan ng pansin ang nararamdaman. Nagawa naman niyang pigilan ang sarili na mahulog ng tuluyan dito at mukhang hindi na madaragdagan pa ang lalim ng kanyang nararamdaman lalo pa at sinampal na sa kanya ang pagkakaiba nila. Kahit kailan ay hindi sila puwede dahil anak mayaman si Erica habang siya ay isang hamak na mahirap lamang at wala pang trabaho. Hindi rin siya magagawa maipagmalaki nito kung sakali na maging sila dahil wala naman siyang magandang background at higit sa lahat, hindi nakatapos ng pag-aaral. “Are you okay, Alex?” wika muli ni Erica na mababakasan ng tono ng pag-aalala. Marahas na napabuntong hininga naman si Alex saka tipid na ngumiti dito. “Ah o-oo. Mauna na ako, Erica, ah? May pupuntahan pa kasi ako,” aniya saka nagsimulang maglakad palayo. Hindi na niya hinintay na magsalita pa si Erica dahil ayaw na niyang isampal pa sa kanya ang pagkakaiba nila. “Wait!” Erica shouted saka mabilis na humakbang palapit sa kanya at pinigilan siya sa pamamagitan nang paghawak nito sa braso niya. Walang nagawa si Alex kung hindi ang tumigil sa paglalakad at muling harapin ito. “Hindi pa kasi ako nag-la-lunch. Pwede mo ba akong samahan? My treat!” wika ni Erica saka muling ngumiti. Hindi naman agad nakapagsalita si Alex at sandali itong tinitigan bago muling huminga ng malalim. “Pasensya na may pupuntahan pa kasi talaga ako—” “Please? Ngayon lang ‘to promise. Aalis kasi dapat ako ngayon kaso hindi natuloy and medyo malungkot ako at need ng kasama. Sige na, Alex,” mahabang wika ni Erica na hindi na pinatapos pa si Alex sa pagsasalita. Muling napabuntong hininga ang binata ng maramdaman ang paghigpit ng hawak ni Erica sa braso niya na hindi pa pala nito binibitawan. “Please? Malungkot kasing kumain mag-isa and ever since na gumraduate kami ay nawala ng parang bula si Alyssa at Lara. Sila lang ang kaibigan na mayroon ako eh,” sabi pa ni Erica na tila nagdadrama. At sino ba naman si Alex para tanggihan ito? Totoong may iba pa siyang pupuntahan pero alam naman niyang walang kasiguraduhan kung makakapasok siya sa trabaho na iyon dahil wala siyang high school diploma. “S-sige…” wika ni Alex matapos ang ilang sandali. Mabilis na lumapad ang ngiti ni Erica na naging dahilan ng pagsingkit ng mga mata nito. “Thank you! You’re the best talaga!” masayang wika ng dalaga saka mabilis na hinila si Alex palayo sa lugar na iyon. Napapailing naman si Alex saka nagpatangay na lamang dito. Mabilis na pumara ng taxi si Erica nang makarating sila sa kalsada saka magkatabi na sumakay sa backseat. Narinig ni Alex ang pangalan ng sikat na hotel na pupuntahan nila, gusto pa sana niyang kumontra pero pinili na manahimil na lamang nang lingunin siya ni Erica at nagtatanong ang mga mata na tinignan. Pagkarating sa Hotel ay hinawakan ni Erica ang kamay niya saka hinila papasok. Agad na binati sila ng staff nang makita ang dalaga saka iginaya sa bakanteng lamesa na malapit sa malaking glass window. Iniabot sa kanila ang menu book at tinignan iyon ni Alex, agad din niyang binitawan nang makita ang presyo at hinayaan na lamang si Erica na um-order ng pagkain nilang dalawa. “So kumusta ka naman, Alex? Bakit ka pala naghahanap ng work? Hindi ka na ba nagda-drive?” sunod-sunod na tanong ni Erica nang makaalis ang waiter matapos kuhanin ang order nila. “Hindi na, Hindi kasi kami nagkasundo ni Mang Ben kaya umalis na lang ako,” sagot naman ni Alex na ang tinutukoy ay ang contractor at may-ari ng jeep na minamaneho niya dati. Tumango-tango naman si Erica sa sinabi niya at akmang may sasabihin pa nang biglang tumunog ang cellphone nito na nasa ibabaw ng lamesa. Ngumiti muna ang dalaga sa kanya bago nito kuhanin ang cellphone. Doon na natuon ang atensyon ni Erica sa mga sumunod na minuto at binitawan niya lamang iyon nang dumating na ang in-order nila. Erica ordered steak as their main course and fish and chips for their appetizer. May dessert din ito na in-order which is slice of blueberry cheesecake. Katahimikan ang namayani sa pagitan nila hanggang sa matapos silang kumain. Wala rin naman kasing sasabihin si Alex at kahit nahihiya siya dahil nilibre siya ng masarap at mahal na pagkain ni Erica ay hindi na lamang niya iyon iisipin dahil gutom na gutom na rin siya. Nang matapos si Erica ay tumawag ito ng waiter at nag-order ng red wine. She asked Alex kung gusto din nito pero tumanggi si Alex kaya sa huli ay orange juice na lamang ang in-order niya. Nang dumating ang inumin ay tumingin muli si Erica kay Alex, sandali niya ito na tinitigan bago magpasya na sabihin ang kanina niya pang gustong sabihin. “I was just thinking if you want to work with me,” seryosong wika ni Erica habang nakatingin sa mga mata ni Alex. “Ano?” hindi makapaniwala na wika naman ng binata. “Remember when I told you na may pupuntahan dapat ako? I’m on my way to Boracay but I realized na malungkot ang mag-isa that’s why nagpunta ako sa company ni Dad para ayain ang kapatid ko but she’s busy raw kaya hindi na ako tumuloy. I just need a company and siguro driver na rin since hindi ko kayang mag-drive ng matagal dahil inaantok ako lalo na sa gabi,” paliwanag naman ni Erica dito. “Gusto mo akong gawing driver mo?” tanong pa ni Alex na tila naguguluhan pa rin sa sinasabi ng kaharap. Hindi maproseso ng utak niya ang sinabi ng dalaga. Gusto siyang gawing driver at kasama ni Erica? Bakit? “Not really my driver. Ikaw lang ang magda-drive sa tuwing may pupuntahan tayo and sasamahan mo ako sa kung saan ko maisip na pumunta. Balak ko kasing libutin ang buong bansa habang malaya pa ako dahil sure ako na hindi ko na ito magagawa once na pakialaman na ng mga magulang ko ang buhay ko,” wika pa ng dalaga sa kanya. Dahan-dahan na tumango naman si Alex dito habang nakatingin kay Erica, tinitignan kung nagsasabi ba ito ng totoo o ano. Nanatili na seryoso ang mukha ng dalaga kaya wala sa sarili na napatango na lamang si Alex. “Oh my god? Payag ka na maging driver and kasama ko?!” malakas na wika ni Erica na ikinagulat ni Alex. Hindi niya iyon inaasahan lalo na nang biglang hawak ni Erica ang kamay niya na nasa ibabaw ng lamesa. “Totoo ba talaga na pumapayag ka? Wala ng bawian ‘yan?” tanong pa ni Erica na ngayon ay mahina na ang boses. “Wala naman akong ibang gagawin dahil wala akong trabaho saka may utang ako sa’yo ‘di ba? Para mabayaran ko na rin iyon,” wika naman ni Alex. “Oh my god, thank you!” masayang wika pa ni Erica. Napangiti na lamang si Alex saka pinagmasdan ang kaharap hanggang sa maramdaman niya ang pagbitaw ng kamay nito sa kamay niya. Nakita niyang itinaas ni Erica ang isa nitong kamay upang magtawag ng waiter, nanghingi ito ng bill at ilang sandali pa ay ibinigay naman iyon sa kanya. Pagkatapos magbayad ay agad na tumayo si Erica saka nagtungo sa gilid ni Alex at kinuha ang kamay niya. “Saan tayo pupunta?” takang tanong ni Alex ngunit agad din na napatayo matapos isukbit sa balikat ang dalang bag. “Sa condo ko! Gagawa tayo ng employment contract and pag-uusapan na rin natin ang sahod and benefits mo. Hindi naman puwedeng hindi kita sahuran dahil ako ang lumapit sayo at kukunin ko ang oras mo. And about don sa utang mo, huwag mo ng isipin iyon dahil nakalimutan ko na iyon,” mabilis na wika naman ni Erica saka tuluyan na siyang hinila palabas ng hotel. “Pero—” “Let’s go!” sabi pa nito kaya walang nagawa si Alex kung hindi ang magpatangay dito. Muli silang pumara ng taxi nang nasa tabi na sila ng kalsada at sumakay sa backseat. Sinabi ni Erica sa driver ang address ng condo nito habang tahimik naman si Alex na nakikinig dito. “Excited na ako! Kapag tapos na tayo mag-usap ay puwede na ba tayong umalis agad bukas? Gusto kong pumunta talaga sa Boracay o kahit sa Puerto Galera o kahit saan basta beach. Dagat na dagat na talaga ako!” puno ng kagalakan na wika pa ni Erica na ikinangiti ni Alex habang tumatango-tango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD