Chapter 4

2189 Words
Alex and Erica arrived at the latter’s condo an hour ago pero kasalukuyan silang nasa convenience store na nasa tapat lamang din ng condo building ni Erica upang bumili ng pagkain. Hindi raw kasi nabusog ang dalaga sa kinain nila kanina at gusto pang mag-instant noodles at kumain ng kung ano ano. “Anong gusto mo, Alex?” tanong ni Erica habang nagtitingin ito ng soft drinks. Hindi siya makapag-decide kung coke regular or coke zero ang gusto niya na inumin. “Kahit na ano,” mahinang sagot naman ni Alex habang nasa likod ni Erica at pinapanood ito. Marahas na napabuntong hininga si Erica sa narinig, inilagay niya muna ang tatlong piraso na coke zero sa basket bago harapin ang binata. “May pagkain ba na kahit na ano?” tila naiinis na wika sa kanya ni Erica. Imbes na mabahala ay parang natutuwa pa si Alex habang nakatingin sa magandang mukha ng dalaga na ngayon ay magkasalubong ang mga kilay habang masama na nakatingin sa kanya. “Ako ng bahala kumuha ng sa ‘yo. Kainin mo ito dahil kung hindi ay sasabunutan kita,” may pagbabanta na wika pa ni Erica bago ito tumalikod at nagtungo sa snack section para muling maglagay ng mga junk foods sa hawak nitong basket. Ngingiti-ngiti na sumunod naman ang binata dito. Nang matapos sila sa pamimili ay magkasabay na nagtungo sa condo ni Erica ang dalawa. Kapwa sila tahimik nang makasakay sa elevator hanggang sa makarating sa floor kung nasaan ang condo ng dalaga. Nakasunod lamang si Alex habang naglalakad sila sa kahabaan ng hallway at napatigil nang huminto si Erica sa tapat ng isang pinto. Pagkatapos i-enter ni Erica ang code ang agad siyang pumasok at naupo sa malambot na sofa. Ito ang unang beses na pumunta si Alex dito sa condo ni Erica at hindi niya malaman kung ano ang dapat na i-react nang makita niya ang kabuuan niyon. Kabaliktaran sa kagandahan na taglay ng dalaga ang condo nito. Nagkalat ang mga empty canned soft drinks, balat ng junk foods, paper bags and take away container sa bawat sulok ng bahay. Naamoy din niya na parang may panis na pagkain hindi kalayuan sa kinaroroonan niya at may mga mantsa rin ng natuyong sarsa sa kulay puti na tiles. Hindi niya maintindihan kung hindi lang talaga marunong maglinis si Erica dahil anak-mayaman ito o ayaw lang nito talaga. Huminga ng malalim si Alex saka naglakad patungo sa kusina na matatanaw mula sa pintuan. Inilapag niya sa counter ang mga hawak na plastic bags saka binuksan ang unang tatlong butones ng suot na long sleeve. Muli siyang bumuntong hininga saka inilabas ang mga pinamili at hinayaan sa countertop, gamit ang plastic ay nagsimula siyang pulutin ang mga kalat at ilagay doon. “What are you doing?” wika ni Erica nang makita ang ginagawa ni Alex. Agad na tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa at nilapitan ang binata. Hindi naman umimik si Alex kaya muli siyang nagsalita. “Hayaan mo na ‘yan, Alex. Pupunta dito mamaya si Manang Celia, siya na ang maglilinis diyan.” “Umpisahan mo na ‘yong kung ano man ang gagawin mo habang nililinis ko ‘tong mga kalat,” wika sa kanya ni Alex. Sandali na pinagmasdan niya ito at nang mapagtanto na wala itong balak tumigil at makinig sa kanya ay napabuntong hininga na lamang siya. “Ang kulit mo rin ‘no? Magkapatid talaga kayo ni Alyssa, eh,” sabi pa ni Erica bago ito tumalikod at maglakad papasok ng kuwarto niya. Tinignan niya ang digital clock na nakapatong sa bedside table at nang makita na maaga pa ay naisipan niyang mag-shower muna dahil mainit sa labas at napag-pawisan na siya. Erica wore a plain oversized white shirt and printed board shorts after shower. Tinuyo niya muna ang buhok niya at kinuha ang laptop saka lumabas ng kuwarto niya. Pagkarating niya sa sala ay hindi niya mapigilan ang hindi mamangha nang makita na malinis na iyon. Wala na ang mga kalat hindi niya magawang itapon sa basurahan, mabango na rin ang buong condo niya at sobrang kintab ng tiles na mukhang kinuskos pa matanggal lamang ang mga stain na nandoon kanina. “Wow! You cleaned my whole unit?” hindi makapaniwala na wika niya saka naupo sa sofa, ipinatanong niya sa center table ang hawak na laptop habang pinagmamasdan ang buong paligid. Hindi naman tamad o dugyot si Erica, sadyang ayaw lang niya kumilos dahil alam niyang may maglilinis naman ng lugar niya. Nagkataon na hindi nakapunta kahapon ang kasambahay ng mga magulang niya kaya nadatnan ni Alex ng ganoon ang unit niya. Hindi umimik si Alex sa tinuran niya at nagpatuloy lamang sa pag-aayos ng mga pinamili nila. Hindi na lamang din niya ito inusisa saka kinuha ang laptop at in-open ang document app saka nagsimulang mag-type ng mga terms and conditions para sa Employment Contract nila ni Alex. Bigla ay natigil sa ginagawa si Erica at wala sa sariling napatingin kay Alex nang marinig ang pagbukas ng gripo mula sa kitchen sink. Kasalukuyan na itong nakatalikod sa kanya at may suot ng apron. Sa tingin niya ay naghuhugas ito ng mga nakatambak na hugasin na hindi niya maalala kung kailan niya ginamit. At imbes na mahiya dahil nililinis ng kapatid ng kaibigan niya ang unit niya ay tila ba natutuwa pa siya dahil sa pagiging masipag ni Alex. Masipag lang ba talaga, Erica? Wika ng isang bahagi ng isipan niya na mabilis niyang ikinailing. Ibinalik niya ang tingin sa ginagawa ngunit agad din na bumaling kay Alex saka mataman na pinagmasdan ito. Alex still wearing his applicant outfit at mula sa kinauupuan ay kitang-kita niya kung gaano kalapad ang balikat ng binata pati na rin ang matambok na pang-upo nito. Oh my god. What are you thinking, Erica?! Marahas na napabuntong hininga si Erica saka muling ibinalik ang tingin sa monitor ng laptop niya. Mabilis na binasa niya ang mga salita na na-type na pagkuwa’y natigilan nang mabasa ang pangalan ni Alex. Bakit nga ba niya ito ginagawa? Right. She asked Alex if he can be her driver habang naglulustay siya ng pera ng mga magulang. She also needs a company at si Alex ang una niyang nakita nang maisip iyon kaya ito ang inalok niya. At tama lang naman siguro ang ginawa niya dahil kailangan nito ng work. Erica doesn’t know the whole story, but it seems that Alex’s family are struggling financially, gusto lang niya na tulungan ang pamilya ng kaibigan habang nagagawa ang gusto. It’s like hitting two birds in one stone. “Tapos ka na?” Bahagyang napaigtad si Erica nang marinig ang boses ni Alex. Agad na tinignan niya ito at nakita na nakatayo na ito sa harapan niya at may dala na bowl of chips na mula pa sa pinamili nila. Inilapag ni Alex ang hawak sa center table at naupo sa tabi niya. Dahan-dahan na nagbaba ng tingin si Erica saka tumingin muli sa laptop. Huminga siya ng malalim bago sagutin ang binata. “Malapit na. Baka may gusto kang idagdag?” wika ni Erica sabay harap ng laptop kay Alex. Bahagya na lumapit naman ang binata at hindi sinasadya na magkadikit ang kanilang tuhod. Hindi iyon pinansin ni Erica at tumingin na lamang din sa laptop kahit pa nakikita niya sa gilid ng mata ang mukha ni Alex na malapit lamang sa kanya. Malalim na napabuntong hininga si Erica nang makita ang paglayo ni Alex. Hindi niya namalayan na tila natigil ang paghinga niya dahil sa presenya ng binata. “Okay na sa akin ‘yan,” dinig niyang wika nito. Marahan siya na tumango saka in-exit ang document at sinara ang laptop. Katahimikan ang sumunod na namayani sa kanila. Nanatili ang tingin ni Erica sa harapan habang si Alex naman ay may kung ano na tinitignan sa phone nito. Muling huminga ng malalim si Erica saka ito muling nagsalita. “Hindi mo naman kailangan maglinis dito sa unit ko pero thank you,” mahinang wika ng dalaga. “Wala ‘yon. Nilibre mo naman ako ng lunch kanina at sa mamahalin pa,” sagot naman ni Alex saka muling humarap sa kanya. Itinago nito ang cellphone sa bulsa ng slacks nito saka kumuha ng chips mula sa bowl na dala nito kanina. “Maliit na bagay,” wika naman ni Erica saka mahinang tumawa. Napangiti na lamang din si Alex habang nakatingin sa magandang dalaga. Alex asked why Erica wants to have a driver and Erica without hesitating told him na gusto niyang bawian ang mga magulang dahil sa pagpupumilit ng mga ito na magpakasal siya sa kung sino. Erica doesn’t want to be committed to anyone yet, ngayon pa kung kailan siya naging malaya. Sa kabilang banda ay tahimik na nakikinig naman si Alex kay Erica at hindi maiwasan na malungkot dahil hindi niya alam kung dapat ba siya matuwa na hindi pa handa ang dalaga na makipagrelasyon o dapat na kalimutan na niya ang paghanga na nararamdaman dito dahil wala naman talaga siyang pag-asa. Sa estado pa lamang ng buhay nila ay malabo ng maging sila. Madilim na ang kalangitan nang pakawalan ni Erica si Alex. Pinilit ng dalaga na ihatid siya nito hanggang sa eskinita kung nasaan ang bahay na inuupahan nila Alex at hindi muna siya umalis hangga’t hindi nawawala sa paningin niya ang sasakyan nito. Huminga muna ng malalim si Alex bago magsimulang maglakad sa maingay na eskinita. Katahimikan ang sumalubong sa kanya nang buksan niya ang pinto ng bahay nila. Nakabukas ang ilaw sa kusina na sadyang iniiwan nila para hindi masyadong madilim. Dahan-dahan na sinara niya ang pinto sa likod niya saka naglakad patungo sa kuwarto niya. Naupo siya sa gilid ng kama matapos ilapag ang dala-dala sa lamesa saka kinuha ang cellphone niya para tawagan ang ina. Alam niyang wala ito sa bahay nila dahil most of the time ay lagi siyang sinasalubong nito sa tuwing uuwi siya o galing sa kung saan. “Hello Ma? Nasaan ka?” bungad na wika niya nang sagutin ng ina ang tawag matapos ang apat na ring. “Sinundo ako ng Papa mo kanina, nandito kami ngayon sa Aldwyne kausap si Luis Sandoval. May niluto akong adobo na nilagay ko sa ref, magsaing ka na lang dahil hindi ko na nagawa kanina at nagmamadali ang Papa mo,” mahabang paliwanag naman nito sa kanya. “Anong ginagawa niyo diyan?” kunot-noo na tanong pa ni Alex kahit na hindi naman siya nito nakikita. Hindi niya maiwasan na hindi makaramdam ng inis para sa mga magulang. Hindi niya maintindihan kung bakit panay ang habol ng mga ito sa mga Sandoval gayong wala naman silang napapala. Oo at gusto rin niyang yumaman at mabawi ang dapat na sa kanila pero hindi tama na nagagawa ng mga ito na kalimutan ang responsibilidad sa pamilya nila lalo pa ngayon at paubos na ang pera na inutang niya kay Erica noong nakaraan. “Sabihin ko sayo pagbalik namin anak. Ingat ka diyan,” dinig niyang wika ng ina pagkuwa’y agad itong nagpaalam. Hindi umimik si Alex at nang marinig niya ang pagputol ng linya ay inis na binato niya ang cellphone patungo sa dulong bahagi ng kama niya. Marahas na ginulo niya ang buhok at napasapo na lamang sa kanyang ulo habang iniisip ang buhay nila. Ayaw niya ng ganitong buhay. Maganda na ang buhay nila sa Aldwyne noon kahit na simple lang pero dahil sa kapatid niya ay napilitan silang umalis. Buong akala niya ay mas gaganda ang buhay nila dito sa Metro ngunit hindi pala. Hindi niya alam kung bakit biglang nawalan ng trabaho ang mga magulang niya at kahit gusto niyang magtrabaho ay hindi niya magawa dahil hindi naman siya nakatapos. Hangga’t maaari ay ayaw niyang humingi ng tulong sa iba lalo na kay Erica ngunit wala naman siyang pagpipilian. Paano siya nito magugustuhan kung ganito ang buhay niya? O hindi talaga siya nito magugustuhan dahil sino nga ba naman siya? *** Pagkauwi ni Erica sa condo niya ay agad siyang nagtungo sa kuwarto niya at binuksan ang laptop. Bukas ang unang araw ni Alex bilang driver at kasama niya kaya maghahanap na siya ng lugar na puwede nilang puntahan. Gusto niya talagang mag-beach para magamit ang mga bagong bili niyang bikini but she’s little worried na baka walang damit pang-swimming si Alex. She grabs her phone at nagpadala ng text message kay Alex, asking if he has some swimming attire and when Alex replied a simple, yes ay napangiti si Erica at nagpatuloy sa paghahanap ng beach resort na pwede nilang puntahan para bukas. Masyadong naaliw si Erica sa pagbabasa ng mga blog at hindi namalayan ang oras kung hindi lang tumunog ang alarm ng digital clock niya. Agad na sinara niya ang laptop at humiga sa kama, bago tuluyan na matulog ay muli siyang nagpadala ng text message kay Alex. To: Alex Castro Please come here at exactly 12 P.M later. May nahanap na ako na beach na pupuntahan nito. Good morning pala! Please magdala ka rin ng mga damit and swimming attire dahil mag-stay tayo doon ng 3 days and 2 nights.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD