Chapter 1
Few months after college graduation.
Walang magawa si Erica kundi ang magkulong sa kaniyang condo unit. Maghapon siyang nakahilata sa malapad niyang sofa habang nanunuod ng mga horror movies na mukhang hindi na nakakatakot para sa kanya dahil immune na siya. Nakakalat ang mga pakete ng junk foods sa sahig, may mga popcorns din at mga pakete ng chocolates at iba't-ibang uri ng bottled waters at canned sodas.
Erica's place looked like a mess now, but she doesn't mind.
Last week lang ng malaman niya na umalis si Alyssa without even saying goodbye. Alam niya kung nasaan ang isang kaibigan na si Lara pero tinatamad siyang puntahan ito. She just wants to stay at her place, forever kung pwede lang.
'You look so beautiful today
When you're sitting there, it's hard for me to look away
So, I tried to find the words that I could say
I know distance doesn't matter, but you feel so far away
And I can't lie....'
Napatingin si Erica sa phone niya ng tumunog iyon kasunod ang pagliwanag ng screen. Pinanuod niya ang bahagyang pag-galaw nito sa ibabaw ng center table.
'Mum calling...'
Huminga ng malalim si Erica saka binalik ang tingin sa t.v. Hinayaan niyang pumailanlang sa loob ng condo niya ang kantang I Can Wait Forever ng Simple Plan'habang nanunuod ng horror movie.
Napangiti siya ng kusa itong tumigil.
Kinuha ni Erica ang chips na nasa lapag saka mabilis iyon na binuksan gamit ang ngipin niya. Naupo siya mula sa pagkakahiga saka itinaktak ang laman ng chips sa bibig niya. Hindi niya pinansin ang ilang chips na nahulog sa suot niyang makapal na hoodie.
'You look so beautiful today
When you're sitting there, it's hard for me to look away
So, I tried to find the words that I could say
I know distance doesn't matter, but you feel so far away
And I can't lie....'
Muling tumunog ang phone ni Erica kaya muli niyang itong tinignan.
Dad calling...
Inis na bumuntong-hininga siya saka inabot ang remote na katabi ng phone niya saka pinindot ang pause button. Sunod ay kinuha niya ang phone saka sinagot ang tawag. She put the call on speaker mode saka muling humiga.
"Yes, daddy?" Bungad niya. Inilapag niya ang phone sa may dibdib niya saka tumitig sa ceiling na may malaking chandelier.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ng mommy mo? Nasaan ka ngayon?" Sunod-sunod na tanong nito. Muli siyang bumuntong-hininga.
"Dad, ayaw kong magpakasal doon sa inaanak ni mommy. Ayokong mag-asawa..." Diretsang sagit niya dito. Hindi nakaimik ang ama niya sa kabilang linya kaya lihim siyang napangiti.
"Let's talk about that personally, sweetheart. Kailan ka uuwi?" Dinig niya ang biglang paghinahon ng ama. Mas lumawak ang ngiti niya. Bahagya pa siyang tumikhim bago magsalita.
"Next year? I don't know, daddy. I want to enjoy my life first bago umuwi d'yan. Kaka-graduate ko pa lang ng college eh..." Dinig niya ang pagbuntong-hininga ng ama sa kabilang linya. Sunod na narinig niya ay ang boses ng ina kaya mabilis niyang pinindot ang end call saka tinapon sa paanan ang cellphone.
Muli niyang narinig ang pagtunog niyon makaraan ang ilang sandali at dahil ayaw na niya na kausapin ang mga ito ay pinatay na lamang niya ang phone niya at tinapos ang panunuod.
Dinner time.
Pagkatapos mag-shower ni Erica at magsuot ng pajamas ay agad siyang nahiga sa kanyang kama. Pumunta siya sa food delivery app ng phone niya saka nag-browse doon ng kanyang dinner.
Hindi siya nagugutom dahil sa maraming chips na kinain niya but she still need to eat para may lakas siyang mag-puyat.
She ordered a whole fried chicken from a filipino restaurant with three servings of rice. Binayaran niya ito gamit ang credit card niya saka naghintay hanggang sa makita na may rider na para sa order niya. Lumabas siyang kanyang kuwarto at nagtungo sa kusina, kumuha siya ng bottled water saka naupo sa sofa kung saan makalat pa din ang living room. She just shrugged when she saw the mess at nahiga doon.
Naging ganoon ang routine ng buhay ni Erica sa nakalipas na dalawang linggo.
Magpupuyat siya hanggang ten A.M kakapanuod ng kung anu-ano. Gigising ng four P.M para mag-late lunch na pinadeliver niya pa at mag-dinner ng around ten P.M.
Wala pa din tigil sa pagtawag ang mga magulang niya sa nakaraang dalawang linggo at iisa lang naman ang sinasabi ng mga ito, same goes with her na iisa lang din ang sagot niya.
Hanggang sa hindi na tumawag muli ang mga magulang niya kasabay ng pagka-ubos niya ng mga papanuorin mula sa online streaming site na din-download niya.
Erica sighed heaviy. Pabagsak siya na nahiga sa sofa. Inilibot niya ang tingin sa makalat na condo unit saka binalik ang tingin sa t.v.
Hindi niya akalain na magagawa niyang manatili sa loob ng bahay ng dalawang linggo para lang mag-rebelde sa mga magulang niya. At hindi din niya akalain na magsasawa siya at mabo-bored sa ginagawa.
Tumayo si Erica at mabilis na nagtungo sa kwarto niya matapos patayin ang t.v at kunin ang cellphone sa center table. Pumasok siya sa bathroom at tumayo sa ilalim ng shower matapos mahubad lahat ng damit niya. She's currently thinking kung ano ang susunod na gagawin h'wag lamang umuwi sa kanila.
Erica doesn't want to go home kung ipagpipilitan lamang ng mga magulang ang gusto ng mga ito. She wants to live her life, freely at hindi dinidiktahan. She's not like her sister na sunud-sunuran sa mommy nila kaya ngayon ay hindi masaya.
Mabilis niyang pinatay ang shower nang may pumasok na ideya sa isip niya. Saktong tapos na din siya maglinis ng katawan at buhok kaya inabot na lamang niya ang towel na nasa rack at naglakad patungo sa walk-in closet na nasa loob lang din ng malaki niyang bathroom.
She chose to wear a denim short at white V-neck shirt. Kinuha din niya ang backpack niya sa isang drawer at naglagay ng iilang shirts, shorts, undies at bikinis doon. Kumuha din siya ng toiletries saka manipis na towel. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng isara niya ang backpack saka lumabas ng bathroom. Inilapag niya ang bag sa ibabaw ng kama saka naupo.
Kinuha niya ang phone at dinial ang number ni Lara. Naisip niyang mag-out-of-town at mag-road trip habang nagpapalipas ng oras. Ngunit naka-ilang dial na siya dito ay hindi pa rin sinasagot ng magaling niyang kaibigan ang tawag niya. Napabuntong hininga siya saka naiinis na binaba ang phone.
Bukod kay Lara ay si Alyssa ang isa niya pa na kaibigan at wala ng iba. She's not a friendly type of person dahil na din sa estado ng buhay niya.
Nakilala lamang niya ang dalawa ng mag-rebelde siya sa mga magulang at mas piniling mag-enroll sa government university kaysa sa prestigious school na sinasabi ng mga 'to. Hindi naman niya pinagsisisihan ang ginawa dahil doon siya nakakilala ng totoong kaibigan. Iyon nga lang ay wala itong ideya kung sino siya.
Krysthea Erica Isidro Lopez is a daughter of a rich couple. Her mum is the sister of the great Jacob Isidro na ama ng kambal na sina Homer at Hunter Isidro while her daddy is the chairman of an airline company. Aside sa airlines ay pagmamay-ari din nila ang isang malaking manufacturing company na nagsu-supply ng mga essential needs all over the country. Isa din ang pamilya nila sa tumutulong na palaguin ang ekonomiya ng bansa.
She should be proud of her family background, but Erica felt the other way around. Hindi niya gusto ang pagiging manipulative at bossy ng mommy niya. Ayaw din niya sa pagiging 'under' at sunud-sunuran ng daddy at ate niya. Maybe she got her attitude from her mommy kaya ganoon na lamang ang inis nila sa isa't-isa.
She can't help but to smile at her thought. Kasabay niyon ang pagtunog ng phone niya at muli na naman rumehistro sa screen ang contact name ng mommy niya sa phone niya.
Huminga muna siya ng malalim bago mapag-pasyahan na sagutin ito.
"Yes, mum?" Bungad niya.
"What do you think you're doing, young woman?!" May diin na tanong ng kanyang ina sa kabilang linya.
"Enjoying my life?" Ganting tanong niya dito. Dinig niya ang pagbuntong-hininga nito ng marahas and she bet, namumula na ang ina sa galit.
"Huwag mo akong pinagloloko Krysthea Erica!" Malakas na sabi nito na ikinangiwi niya.
Erica really hates her first name. Sinunod kasi iyon sa mommy niya na Krystel ang pangalan kaya ayaw niya.
"Mom, i already told you na ayaw kong magpakasal at gusto kong tumanda ng dalaga habang ine-enjoy ang buhay ko..." Mahina niyang sabi.
"What?! You can't do that young woman! You need to find a husband kung ayaw mo magpakasal kay Thunder Perez! Dapat ay may magandang background at marunong sa negosyo para hindi masayang ang pinaghirapan namin ng daddy mo!"
Napangiwi si Erica sa narinig saka hindi napigilan na bumuntong-hininga.
She didn't know na ang ipinapakasal pala sa kanya ay si Thunder Perez na kaibigan ni Alyssa. She doesn't know the guy personaly pero ayon sa kwento ni Alyssa ay mabait naman iyon at guwapo nga ng minsan na makita niya.
"You need to check the family background as well. You can do whatever you wanted to do with your life basta ay mag-asawa ka.”
But still, ayaw niya sa binata. Hindi niya rin tipo ang parang nerdy na seryoso na itsura nito.
She shrugged at her thought saka muling huminga ng malalim.
"Ayoko nga magpakasal, ma!" Hindi niya mapigilan na sigaw.
"No buts, Krysthea Erica! Dalhin mo sa amin ang napili mong lalaki by the end of the year o muli akong maghahanap ng pakakasalan mo!" Sigaw naman pabalik ng ina niya saka pinutol ang tawag.
Inis na ginulo ni Erica ang hindi pa nasusuklay na buhok saka pabagsak na humiga sa kama.
Tumitig siya sa ceiling habang iniisip ang sinabi ng ina.
In fairness sa mommy niya. Nagagawa na siyang bigyan ito ng option at hindi na siya pinipilit sa gusto nitong mangyari. Mabuti naman at natuto na ang mommy niya matapos mag-divorced ng ate niya at ng asawa nito na ayon sa mommy nila ay perfect guy to be a husband daw.
Her big sister, Kriselda Earl Lopez got married last year sa isang anak ng business tycoon na si Dranreb Galvez but after ten months of marriage ay nag-divorced din ang dalawa without saying any reason. Her ate is only a year older than her pero matured na ito mag-isip, siguro ay pressured din ito dahil panganay kaya masunurin na anak. Total opposite ni Erica na masaya pa sa tuwing sinusuway ang mga magulang.
Napagpasyahan ni Erica na tumayo matapos ang ilang oras na pag-iisip.
Mabilis na kinuha niya ang backpack na nasa kama saka lumabas sa kwarto. Dinampot niya ang susi ng sasakyan sa oval table sa gilid ng pinto. Sinuot niya ang sneakers saka binuksan ang pinto at sinarado din ng makalabas. Naglakad siya sa kahabaan ng hallway hanggang sa makarating sa tapat ng elevator.
Sandaling naghintay si Erica hanggang sa tumunog ang elevator hudyat na tumigil na ito sa floor kung nasaan siya. Pinanuod niya ang dahan-dahan na pagbukas ng pinto ng elevator at hindi niya mapigilan na mapasigaw ng bumungad sa kanya ang taong kakilala niya.
"Alex?!" gulat na sambit niya. Nahihiyang ngumiti sa kanya si Alex saka lumabas ng elevator. Mabuti na lang at walang tao sila na kasama doon kundi pagtitinginan na si Erica dahil sa pagsigaw nito.
"Bakit ka nandito?" tanong ni Erica ng nasa harapan na niya ang binata. Nakita niya ang marahan na pagkamot nito sa batok saka nag-iwas ng tingin sa kanya. Napakunot-noo siya sa inaasal nito.
Alex or Alexandré is her bestfriend twin brother. They are not that close pero civil naman sila sa isa't-isa at nakaka-biruan niya din ito.
Mula sa pagkakunot-noo ni Erica sa inaasal ni Alex ay napalitan iyon ng pagtataka ng may ma-realize.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" Takang tanong niya. Nakita niyang muling nag-iwas ng tingin si Alex saka huminga ng malalim.
Lara and Alyssa never knew where she lives, kaya imposibleng sinabi ng mga ito ang bagay na iyon kay Alex.
"Nakita kitang pumasok dito noong minsan na napadpad ang jeep ko sa lugar na 'to. Nalaman ko 'yong floor ng unit mo ng maiwan mo 'yong wallet mo sa bahay at makita 'yong identiification card mo,” paliwanag nito. Napatango na lang si Erica saka muling pinindot ang elevator.
"So bakit ka nandito?" tanong niyang muli. Hindi niya narinig na umimik si Alex kaya hindi na lang niya kinulit ito.
Tahimik silang dalawa na sumakay ng elevator. Pinagmasdan na lang ni Erica ang pagpapalit ng mga numero at hindi na tinignan pa si Alex.
Ewan ba niya basta ay parang bigla siyang nailang dito. Hindi naman kasi sila masyadong close, at hindi rin siya ganoon ka-friendly kaya hindi niya alam kung paano ba ang approach na gagawin niya dito.
Tumigil ang elevator sa basement parking. Hinintay ni Erica na bumukas iyon saka mabilis siya na lumabas. Agad naman sumunod sa kanya si Alex na tahimik pa din. She sighed at nagsimulang maglakad papalapit sa kotse niya.
Tumigil si Erica sa tapat ng gray na SUV. Binuksan niya ang back seat at itinapon doon ang backpack saka mabilis na isinara. Sunod ay sumandal siya sa pinto ng driver's seat saka hinarap si Alex na nanunuod sa kanya.
"So, tell me, Alex,” seryosong sabi niya. Nakita niya ang pagbuntong-hininga nito saka parang nahihiya na ngumiti at tumitig sa mga mata niya.
"Mangungutang sana ako, Erica, kung okay lang,” mahinang wika nito na umabot sa pandinig niya.