“Mangungutang sana ako, Erica kung ayos lang sa iyo.”
Nahihiya man ay pilit na nilakasan ni Alex ang loob. Wala na siyang iba pang malalapitan at ang dalaga na nasa harapan niya ngayon ang last chance niya.
“Pasensya ka na kung bigla akong nagpunta dito para lamang mangutang. Hindi na kasi ako namamasada tapos ay wala rin na trabaho sina Mama at Papa,” paliwanag pa ng binata sa dalaga na mataman lamang na nakatingin sa kanya at tila malalim ang iniisip.
Kung may ibang pagpipilian lang talaga si Alex ay hindi siya lalapit sa kaibigan ng kapatid. Kung may iba lang talagang paraan.
“Magkano ang kailangan mo?” tanong ni Erica matapos ang sandaling katahimikan.
“Pambayad lang sana ng upa sa bahay. Naniningil na kasi iyong may-ari. Baka palayasin kami kapag hindi pa kami makabayad,” paliwanag pa ni Alex.
“Ano ka ba, Alex hindi mo na kailangan magpaliwanag. Hindi ka naman others at isa pa ay kapatid ka ni Alyssa,” sabi pa ni Erica na ang tinutukoy ay ang nakababatang kapatid ng binata. Nahihiya na ngumiti na lamang ito at nagbaba ng tingin. Si Erica naman ay sandaling tumalikod at binuksan muli ang pinto ng backseat saka kinuha ang wallet mula sa backpack na nasa loob ng sasakyan saka naglabas ng cash. Humarap siya muli sa binata at iniabot ang iyon dito.
“Here,” sabi pa ng dalaga. Agad naman nag-angat ng tingin si Alex at kinuha ang cash na iniabot ni Erica. Tipid na ngumiti siya sa nakangiting dalaga na mahina pang tumawa dahil sa reaksyon niya.
“Babayaran kita kaagad kapag natanggap ako sa trabaho na in-apply-an ko,” sabi pa ni Alex.
“Okay lang, Alex ano ka ba? Like I said, hindi ka naman others saka may extra naman ako kaya okay lang talaga,” sabi pa ni Erica. Nahihiyang tumango na lamang si Alex saka dahan-dahan na inilagay ang cash na bigay nito sa bulsa niya.
“Sige na, I have to go,” sabi pa ni Erica nang hindi na muli magsalita ang binata na nasa harapan niya. Muli naman na tumango si Alex saka pinanood ang dalaga na tumalikod sa kanya saka binuksan ang pinto sa driver’s seat at agad na sumakay doon. Nakita niya pa mula sa bintana ang pagkabit nito ng seatbelt at ang pag-start ng makina. Kumaway pa ito sa kanya saka ngumiti bago nito tuluyan paandarin ang sasakyan palabas ng parking lot.
Nanatili na nakatayo doon si Alex at pinanood lamang ang papalayong sasakyan ni Erica hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin niya. Huminga siya ng malalim at kinuha mula sa bulsa ang bigay ng dalaga saka iyon binilang. Napangiti na lamang siya nang mapagtanto na sobra sobra ang binigay sa kanya ng dalaga.
Pagkagaling sa condo ni Erica ay nagtungo muna si Alex sa palengke para bumili ng bigas at ulam. Alam niya kasi na wala silang kakainin sa araw na iyon dahil talagang walang-wala silang pera. Namili siya ng iilang gulay, isda, karne at bigas pati na rin iilang de lata para may stocks sila kung sakali na maubusan sila ng panggastos.
Pagkatapos sa palengke ay sumakay sa tricycle si Alex at umuwi na sa kanilang bahay.
Nasa hagdan pa lamang siya ng apartment na inuupahan nila ay dinig na dinig na niya kung paano sigawan ng may-ari ang nanay niya na nakatungo lamang at tinatanggap ang masasakit na salita na sinasabi ng kaharap.
“Ilang buwan na kayong hindi nakakabayad! Anong tingin niyo sa akin? Nagpapatira dito ng libre? Porket nawawala ang anak niyong babae ay maaawa na ako sa inyo? Hindi! Dahil alam nating pareho na sumama iyon sa matandang mayaman para makaalis sa mahirap niyang buhay!” dinig niyang malakas na sabi pa nito na naririnig ng mga katabi nilang pinto.
Mabilis na pumanhik si Alex at tumayo sa harapan ng Mama niya saka hinarap ang matapobre nilang landlord.
“Magkano po ba ang balanse namin?” wika niya. Nakita niya ang pagtaas ng kilay ng matandang babae dahil sa mga dala-dala niyang pagkain.
Nilingon niya ang ina at ibinigay dito ang mga pinamili saka bumulong na siya na ang bahala. Tahimik na tumango naman ito saka kinuha ang eco bags na hawak-hawak niya saka pumasok sa loob ng bahay nila.
“May pera kayo pero hindi niyo ako magawang bayaran—”
“Kaya nga po nagtatanong ako kung magkano dahil babayaran ko kayo,” putol ni Alex sa anuman na sasabihin nito dahil hindi na siya natutuwa sa pamamahiya nito sa kanila. Alam niyang may mali sila dahil hindi sila makabayad agad pero hindi tama na tratuhin sila ng ganito na para bang hindi sila tao.
“25,000 pesos,” wika ng ginang na nakataas pa rin ang isang kilay at tila hinahamon si Alex.
“Bakit 25,000? 5,000 lang ang upa namin at tatlong buwan lang kaming hindi nakabayad,” kunot-noo na wika naman niya.
“Interest iyon dahil sa tagal—”
“Mayroon kaming initial deposit at one-month advance na binayad bago kami lumipat dito. Dapat ginamit niyo iyon sa dalawang buwan na hindi kami nakabayad dahil iyon nga ang purpose no’n,” seryoso na wika pa ni Alex. Alam niyang sa ganitong sitwasyon ay gigipitin sila pagkatapos ay lolokohin sa kung magkano ba talaga ang dapat nilang bayaran. Mabuti na lamang at naisipan niya na basahin ang kontrata ng bahay na inupahan nila bago sila pumirma ayon na rin sa utos ng kapatid niya.
“Nakalimutan niyo na po ba? Sandali at ipapakuha ko lang ang kontrata—"
“Huwag na! Ibigay mo na sa akin ang bayad niyo at nang makauwi na ako!” putol naman sa kanya ng ginang. Lihim na napangiti si Alex nang makita ang paglahad ng palad nito sa harapan niya na nagsasabing doon ilagay ang pera na ibibigay niya. Agad naman siyang dumukot sa bulsa at kinuha ang limang one-thousand bill saka inilagay sa palad nito.
“Magbayad kayo sa tamang oras sa susunod kung hindi ay papalayasin ko talaga kayo!” banta pa nito bago ito tumalikod at naglakad pababa ng hagdan.
Napabuntong hininga si Alex nang isara niya ang pinto ng bahay nila. Tahimik siya na naglakad patungo sa kusina kung nasaan ang Mama niya na kasalukuyang inaayos ang mga pinamili niya.
“Saan ka nakakuha ng pera, anak?” tanong sa kanya ng ina. Sandali na nag-isip si Alex saka muling napabuntong hininga.
“Nag-extra ako sa ukay-ukay ni Mang Kaloy,” tipid na sagot niya saka nag-iwas ng tingin. Alam niyang hindi iyon paniniwalaan ng ina kaya hindi na lamang siya nag-isip ng mahabang rason.
“Si Papa pala nasaan?” tanong niya nang mapansin na ang ina lang ang nasa bahay nila. Nakita niya ang sandaling pagtigil nito sa dapat sana ay paglalagay ng mga gulay sa refridgerator pagkuwa’y bumuntong hininga.
“Nagpunta ng Aldwyne at kakausapin daw si Luis. Ewan ko ba dyan sa Papa mo at pinipilit pa rin ang gusto kahit na naghihirap na tayo. Hindi man lang niya inisip si Alyssa na nagawang sumama kay Zayn may mapambayad lang sa utang natin,” sabi naman ng ina niya. Napailing naman si Alex sa narinig at hindi maiwasan na mainis para sa ama.
Limang taon na ang nakakalipas nang malaman niya ang tungkol sa yaman daw nila na kinuha mula sa kanila ng dating kaibigan ng ama na si Jason Sandoval, who happens to be the father of his friend, Jared Sandoval. Dahil nga lumaki siya sa hirap at magsasaka lamang ang kinabubuhay ng mga magulang noon sa Aldwyne ay agad siyang nakaramdaman ng kasiyahan, dahil sa wakas ay makakaahon na sila sa pamumuhay na isang kahig at isang tuka. Iyon din ang dahilan kung bakit sila umalis doon at nanirahan dito sa Metro City at nakipagsapalaran.
Ayon sa kuwento sa kanya ng ama ay mayroon silang kompanya dati na pinamana pa ng mga magulang nito. It’s a real estate company that has a lot of subdivisions and condos ngunit dahil sa trahedya na kinasangkutan ng nakababatang kapatid noong mga bata pa sila ay hindi ito masyadong natutukan ng ama at pinagkatiwala sa kaibigan nito. Namalayan na lamang nila na wala na silang pagma-may ari nang kunin ng bangko ang malaki nilang bahay at patalsikin ng board members ang ama sa sarili nitong kompanya. That was the main reason why they runaway na tanging sarili lamang ang dala at namuhay ng tahimik sa malayong lugar for the past ten years. Hanggang sa malaman ni Alex at ng kapatid na si Alyssa ang nakaraan at magsimulang magplano na bawiin ang nararapat sa kanila.
Ngunit tila hindi pabor ang tadhana sa kagustuhan nila dahil sunod sunod na kamalasan ang dumating sa kanila. Masyadong malakas at makapangyarihan ang kinakalaban nila at wala silang magawa kung hindi ang hayaan na lamang ito.
Alex already told his father to just give up at magsimula muli ngunit desidido ang ama niya na ngayon nga ay nagpunta pa sa Aldwyne para kausapin ang tao na sa tingin nito ay makakatulong sa kanila.
“Sa tingin mo, Mama may mapapala si Papa sa pagpunta niya doon?” maya-maya ay wika niya matapos ang mahabang katahimikan na namagitan sa kanila.
“Hindi ko alam. Ipagdasal na lang natin,” sagot naman ng Mama niya saka muling bumuntong hininga. Hindi na lamang muli pang umimik si Alex at umalis na lamang sa kusina saka nagtungo sa kuwarto nito. Nahiga ito sa kama at kinuha ang cellphone para magbasa ng article tungkol kay Krysthea Erica Lopez.
Simula nang malaman niya ang totoong pagkatao nito ay hindi na nawala ang pagiging curious niya sa kung anong buhay mayroon ang kaibigan ng kapatid niya. At dahil sa pagbabasa niya ng mga articles ay doon niya nalaman na Airlines at Manufacturing company ang pagma-may-ari ng pamilya nito. Bagay na naging dahilan para lalo siyang manliit sa sarili.
“Ang hirap mo naman abutin,” bulong niya sa sarili saka nag-scroll scroll sa mga article na nabasa niya na hanggang sa may mahagip ng paningin niya na talaga namang nakakuha ng atensyon niya.
Krysthea Erica Lopez, the second daughter of Lopez Airlines, is looking for a fine man to marry.
“Ikakasal na siya?” bulong niya muli sa sarili kasabay ng dahan-dahan na pagbitaw niya sa cellphone niya.