Huling araw nila Erica at Alex sa beach.
Naunang magising si Erica kay Alex kinabukasan. Nagising siya dahil sa malakas na hilik na nililikha ng binata at dahil hindi na siya makabalik sa pagtulog ay naisipan niya na lumabas na lamang at magpahangin.
Madilim pa ang kalangitan nang lumabas siya ng room nila. Maingat ang bawat hakbang niya na bumaba ng hagdan at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa maramdaman niya ang malambot na buhangin mula sa mga paa.
Erica closed her eyes as she felt the cold sea breeze through her skin. She’s only wearing an oversized gray hoodie and a board short with her flip flops. Hindi na siya nag-abala na itali ang mahabang buhok kaya malaya iyong tinatangay ng malamig na hangin.
Kaunti lamang ang mga tao na nasa dalampasigan nang magtungo siya doon. Ang iba ay naliligo na sa dagat habang ang iba ay tumatakbo wearing their exercise outfit. Gusto sana ni Erica na mag-stretching pero ramdam niya ang pananakit ng katawan dahil sa ginawa kahapon kaya mabagal na naglakad na lamang siya at hinayaan ang mahinang alon ng dagat na umabot sa paa niya. Hindi niya maiwasan na mapakagat labi nang maramdaman ang lamig ng tubig at mahina na napahagikgik nang mapagtanto na para siyang ewan.
Tumigil sa paglalakad si Erica at humarap sa malawak na karagatan. Mataman na pinagmasdan niya iyon habang pinapanood ang unti-unting pagsikat ng araw. Huminga ng malalim si Erica saka dahan-dahan na naupo sa buhanginan, nagsimula na lumakbay ang isipan niya habang tinatanaw ang malawak na dagat.
She starts thinking how her parents doing. Ilang araw na siyang malayo sa siyudad at matapos niyang magpadala ng text message sa mga ito para ipaalam ang pag-alis niya ay wala na siyang narinig pa mula sa mga ito. Hindi na rin siya tinatawagan ng ama lalo na ang kanyang ina at kahit gusto niyang isipin na maganda iyon dahil wala ng mangungulit sa kanya ay hindi pa rin niya mapigilan na mag-overthink.
Kapag ganitong tahimik ang mga magulang niya ay nararapat lamang na kabahan siya dahil ibig sabihin lang niyon ay may ginagawa ang mga ito behind her back.
She really doesn’t want to get married, especially the arrange marriage. Ayaw niyang magaya sa ate niya na hindi man lang nagawang sumaya sa napangasawa nito. Kung sakali na magpapakasal siya ay iyong pang-habambuhay na dahil kahit iba siya sa pamilya niya ay naniniwala naman siya sa happily ever after. She never had a boyfriend dahil alam niya sa sarili niya na kapag nagmahal siya ay ibibigay niya ang lahat. Kaya kung sakali na magmamahal siya ay gusto niyang iyon na rin nag makakasama niya hanggang sa dulo.
As cringe as it sounds but Erica believes in true love.
“Kanina ka pa nandito?”
Mabilis na napalingon si Erica sa gilid niya nang marinig ang boses ni Alex. Nakatayo ito at nakayuko sa kanya habang ang dalawang mga kamay ay nasa bulsa nito. He’s wearing a plain white shirt and board shorts saka slippers. Magulo ang buhok nito at mapupungay ang mga mata na halatang bagong gising. He looks so perfect standing there and Erica can’t help but to stare intently at him.
“Nag-breakfast ka na?” dinig niyang tanong pa ni Alex. Agad na nag-iwas ng tingin si Erica saka huminga ng malalim bago tumayo.
“Hindi pa. Kain na tayo?” aniya dito saka ngumiti. Tumango naman si Alex at pinauna siya sa paglalakad para makapili siya kung saan sila kakain.
Erica loves the food from the kainan na una nilang pinuntahan kaya doon sila muling kakain. Agad na binati sila ng staff nang makita sila at dahil walang masyadong tao ay kinuha na nito ang order nila at nagbigay na lang sila ng cash para sa bayad.
Erica ordered a French toast with sausage and mushroom soup on the side habang big breakfast plate naman ang kay Alex which consisted of a warm biscuit, fluffy scrambled eggs, sausage, and hashbrowns. Um-order din sila ng black coffee and another hash brown for Erica.
“Anong gusto mo gawin ngayon?” tanong ni Alex habang naghihintay sa pagkain nila. Magkaharap na nakaupo ang dalawa at mula sa mga tao sa beach ay nilingon ito ni Erica.
“Water activities sana kaso ang sakit pa ng katawan ko,” sagot ng dalaga saka bahagyang napangiwi ng subukan na galawin ang braso niya. Ilang oras din silang nakakapit doon sa may bangka habang nakakasidsid kahapon kaya tila nabugbog ng husto ang mga braso niya. Matagal na rin kasi siyang hindi nag-wo-workout kaya naninibago ang katawan niya.
“Okay lang ‘yan. Kapag iniisip mo na masakit ay lalong sasakit,” wika naman ni Alex saka ngumiti.
“Ganoon ba ‘yon?” kunot-noo na tanong pa ni Erica. Mukha namang seryoso si Alex pero hindi kasi naniniwala sa ganoon si Erica. Basta masakit ang katawan niya at gusto niyang bumalik sa pagkakahiga pagkatapos nilang kumain. Kailangan niyang ipahinga ito para magkaroon muli siya ng lakas.
“Oo kaya dapat ay mag-water activities tayo. Saka ‘di ba ay uuwi na rin tayo mamayang 12 P.M?” wika pa ni Alex. Nabitin sa ere ang pagsagot ni Erica nang dumating ang pagkain nila. Pinanood niya si Alex na tulungan ang staff na ilapag ang mga iyon sa table saka inilagay sa harapan niya ang pagkain niya. Nang umalis ang staff ay iniabot niya ang coffee at nagsimulang lagyan ng dalawang creamer at isang brown sugar pagkuwa’y hinalo.
“Parang ayaw ko pa umuwi. Okay lang ba na mag-extend tayo?” wika ni Erica matapos ang ilang sandali.
Totoo na ayaw niya pang umuwi dahil alam niyang wala naman siyang gagawin kung hindi ang magkulong sa condo niya. Wala rin siyang trabaho dahil gusto niya pang mag-enjoy sa buhay kaya tama lang na dumito muna sila.
“Oo naman.” Malapad na napangiti si Erica sa narinig. Nakita niya ang pag-angat ng tingin ni Alex sa kanya at para itago ang ngiti ay uminom na lamang siya ng coffee. Agad din naman na nag-iwas ng tingin ang binata at nagsimulang kumain.
Pagkatapos kumain ay muli silang naglakad-lakad sa dalampasigan at nang tumaas na ang sikat ng araw ay bumalik na sila sa room nila. Dumiretso sa kama niya si Erica para muling matulog habang kinausap naman ni Alex ang staff ng tinutuluyan nila para ipaalam dito na mag-e-extend pa sila ng dalawang araw.
Pagbalik ni Alex ay mahimbing ng natutulog si Erica. Maingat ang bawat kilos niya na kumuha niya na kinuha ang sunscreen at nagpahid sa balat, tinignan din muna niya ang cellphone at nang makita na hindi siya hinahanap ng mga magulang ay agad na itinago niya iyon saka lumabas ng kuwarto.
Naglakad patungo sa beach si Alex saka dahan-dahan na lumublob sa tubig. Patuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating sa malalim na parte, huminga muna siya ng malalim bago sumisid at magsimulang lumangoy.
***
Madilim na ang kalangitan nang magising si Erica. Unang bumungad sa kanya ang natutulog na si Alex na mahinang humihilik. Dahan-dahan siya na bumangon saka nag-inat pagkuwa’y napangiti nang walang maramdaman sakit mula sa buo niyang katawan. Mabilis na bumaba siya ng kama saka nagtungo sa bathroom para maghilamos. Hindi niya sinasadya na lumikha ng ingay na naging dahilan ng paggising ng kasama niya. Pagbalik niya sa kama ay gising na si Alex na nakaupo sa ibabaw ng kama nito.
“Kumusta ang tulog mo?” tanong ni Alex matapos humikab ng bahagya.
“Sobrang okay. Para akong narecharge at ready na ulit magpaka-pagod,” nakangiting sagot ni Erica saka nilingon ito. Doon lamang niya napansin na wala itong suot na pang-itaas. Mabilis na nag-iwas ng tingin ang dalaga saka nagtungo na lamang sa bag niya para maghanap ng susuutin.
“Are you hungry na ba? Pwede ka ng pumunta doon sa lagi natin na kinakainan, maliligo lang ako,” wika pa ni Erica at hindi na nag-abala pa na lingunin si Alex. Hindi niya malaman kung bakit bigla siyang kinabahan gayong naka-topless lang naman ang binata. She has seen a lot of guys in topless pero kay Alex lang niya naramdaman ang weird feeling na iyon.
“Okay. Mag-order na rin ba ako?” tanong pa ni Alex.
“Oo,” mabilis na tugon niya saka huminga ng malalim. “Bangsilog ang sa akin. All day naman ang breakfast meals nila ‘di ba?” dugtong pa ni Erica saka nilingon ito. Nakita niya ang pagtango ni Alex saka ito bumaba ng kama at kinuha ang shirt niya na nkasabit sa upuan. Mabilis na sinuot ito iyon saka muli siyang nilingon.
“Labas na ako,” pagpapaalam pa ni Alex.
“Okay,” tipid na sagot naman ni Erica saka kinuha ang damit na pinili at walang lingon likod na pumasok ng banyo.
Pagkarating ni Alex sa restaurant ay agad siyang pumila sa counter para um-order. Marami ang tao ngayon hindi gaya noong nakaraan kaya sinabihan siya ng cashier na 20-30 minutes ang serving time ng food na in-order niya. Tahimik na tumango naman siya saka naghanap ng mauupuan at dahil marami ngang tao ay nilapitan niya ang unang tao na nakita niyang nag-iisa sa table. Sandali siyang nag-alangan kung dapat ba niyang istorbohin ang panonood nito ng kung ano sa cellphone at dahil nahihiya siya ay bahagyang umatras para maghanap ng ibang mauupuan.
Akmang tatalikod na si Alex nang mapansin niyang nakatingin na sa kanya ang babae. Nakangiti ito at kitang-kita niya kung paano rin ngumiti ang mga mata nito.
“I don’t mind if you want to sit here. Ang boring kasi kapag mag-isa lang,” wika nito saka muling ngumiti. The woman is wearing a yellow swimsuit na pinatungan ng cover up. Kitang-kita ni Alex ang makinis at maputi nitong balat na lalong nagpatingkad sa suot nito. Mahaba rin ang buhok nito na kulay blonde na talaga nga namang kapansin-pansin kaya ito ang unang pumukaw sa atensyon ng binata.
“Okay lang ba? May kasama ako pero dalawa lang kami,” nahihiyang wika pa ni Alex.
“Of course, you can your sit,” wika pa nito. Tipid ang ngiti na naupo si Alex sa harapan nito at ipinatong sa ibabaw ng lamesa ang number na binigay sa kanya ng cashier. Bigla siyang nakaramdam ng pagka-ilang ng harap-harapan na titigan siya nito.
“Ang gwapo mo naman. May girlfriend ka na ba?” wika nito at kung umiinom lamang si Alex ay baka nasamid na siya. Sandali na natigilan siya sa narinig dahil hindi niya iyon inaasahan at nang makabawi ay napabuntong hininga muna siya bago magsalita.
“Wala akong girlfriend.”
“Eh asawa?” tanong muli nito.
“Wala rin,” mabilis na tugon naman ni Alex.
“Eh sino ‘yong kasama mo na sinasabi mo?” tanong pa nito.
“Kaibigan ng kapatid ko. Nagtatrabaho ako ngayon sa kanya bilang driver at assistant kung iyon ba ang tawag doon,” sagot naman ni Alex. Totoo naman ang sinabi niya na driver lamang siya ni Erica ngunit bakit parang nahihiya siya na sabihin iyon?
“That’s cool!” nakangiti na wika nito na tila napansin ang biglang pagkailang ng kaharap. Tipid na nginitian na lamang ito ni Alex saka tumingin sa paligid para hanapin si Erica. Nang hindi makita ang dalaga ay muli siyang bumaling sa kaharap.
“Ikaw sino ang kasama mo?” tanong niya. Mukhang lonely ang dalaga kaya naisipan niya rin na lapitan ito kanina.
“I came here alone. Gusto ko kasing mag-unwind and chill na rin dahil broken hearted ako. ‘Yong hinayupak ko na jowa biglang nakipag-break sa akin dahil nakakasakal na raw ako,” pagkukwento nito at mukhang hindi alintana ni Sofia na too much information ang sinasabi niya.
“I’m sorry—”
“Don’t feel bad. Lahat naman na-e-experience ang mga ganito in their lifetime. Hindi rin naman pati masyadong masakit kasi hindi siya kawalan,” putol pa nito sa anuman na sasabihin ni Alex nang mapansin ang pagbabago ng ekspresyon nito.
Hindi naman umimik pa si Alex at tumango na lamang. Muli ay nilibot niya ang paningin sa paligid at napabuntong hininga nang hindi pa rin makita si Erica. Hindi niya pa naman dala ang cellphone niya kaya hindi niya ito matatawagan.
“By the way my name is Sofia. Ikaw?” dinig niyang wika nito. Binalik niya ang tingin dito at nakita ang nakalahad nitong kamay.
“Alex?!”
Bago pa makasagot si Alex ay biglang lumitaw sa gilid niya si Erica. Salubong ang mga kilay na tinignan siya ng dalaga na para bang may ginawa siyang kasalanan at kailangan niyang magpaliwanag.
“Oh, hi! You must be this hot guy’s boss,” Sofia playfully as she smiled naughtily to Alex. Mabilis naman na napatayo ang binata saka nilapit si Erica.
“What?” mataray na wika ni Erica kasunod ang paghalukipkip. Tila naaliw naman si Sofia sa bagong dating dahil mahina pa itong tumawa bago ilahad ang kamay sa harapan ni Erica.
“My name is Sofia, and you must be…”
“Her name’s Erica,” si Alex ang sumagot kay Sofia saka ngumiti muna dito bago balingan muli ang nakakunot-noo na dalaga. “Wala na kasing maupuan kaya nakiusap ako kung pwede dito at pumayag naman si Sofia dahil mag-isa lang siya,” pagpapaliwanag pa ni Alex.
Pasimple na pinasadahan ng tingin ni Erica ang dalaga bago ito tumango at huminga ng malalim. Inalalayan siya ni Alex na maupo bago ito maupo sa tabi niya. She tried her best not to roll her eyes nang magtama ang mga mata nila ng babae at nakita ang nakakairita nitong ngiti na para bang walang gagawin na maganda.
Wala naman ginagawa sa kanya ang dalaga pero talaga naiinis siya dito. Hindi ang tipo ni Erica ang mainis na walang dahilan pero ewan niya ba basta ay ayaw niya dito.
Magkasabay na dumating ang pagkain nila at pagkain ng babae na kaharap niya. Tahimik na kumain si Erica habang ang babae ay kung ano ano ang tinatanong kay Alex na malugod naman nitong sinasagot. Hinayaan na lamang ito ni Erica dahil pagkatapos kumain ay hindi na muli itong manggugulo sa kanila.
Ngunit nagkakamali siya.
“Is it okay if I tag along sa inyong dalawa? Mag-isa lang kasi ako and ang lungkot kapag mag-isa,” maarte na wika nito.
Hindi napigilan ni Erica ang marahas na pagbuga ng hangin saka seryoso na tinignan si Alex na tila sinasabi na huwag itong papayag.
But Alex being Alex ay nakangiti pa habang tumatango.
Tama talaga ang kutob ni Erica na wala itong magandang gagawin.