Chapter 7

1832 Words
“Anong mga binili mo?” bungad na tanong ni Erica nang makapasok si Alex sa room nila. Agad na kinuha nito mula sa mga kamay ni Alex ang plastic saka ipinatanong sa ibabaw ng two-seater dining table na nasa paanan ng kama nila. “Alfonso light, Coke saka snacks. Isa lang binili ko kasi baka hindi natin maubos,” sagot ni Alex saka sandaling lumabas para kuhanin ang ibibigay sa kanya nang nakausap niya kanina. “Tama kasi need natin magising ng maaga bukas para mag-snorkeling,” dinig niyang wika naman ni Erica mula sa loob. Agad na bumalik din naman ang binata saka lumapit kay Erica. Naupo si Alex sa harapan ni Erica matapos hugasan ang pitcher na hiniram niya sa staff ng tinutuluyan nila. Sinalin niya doon ang alak at coke saka hinalo-halo. Inilagay niya rin doon ang binili na ice cubes saka muling hinalo. Nilabas din ni Alex ang 1.5L na coke bilang chaser nila saka nagsalin sa disposable cup at iniabot kay Erica. Alam niyang alak na alak na ang kasama kaya pagbibigyan niya ito, alam din niya kasing kapag na-experience nito ang hangover ay isusumpa na nito ang alak. “Agad-agad? Hindi ba pwedeng mag-kuwentuhan muna tayo or kumain ng chips?” “Para matapos tayo ng maaga,” sagot niya kay Erica na mukhang hindi makapaniwala na agad niya itong tinagayan. Hindi naman na nakipagtalo pa ang dalaga at ininom ang binigay niya. Hindi niya napigilan ang mapangiti nang makita ang paglukot ng mukha nito at ang mabilis na pag-inom nito ng soft drink. Mahina siyang natawa nang bigla siya nitong samaan ng tingin bago muling ininom ang natira sa baso nito. “Bakit ganito lasa? Hindi ba kapag may halo na ay mawawala na yung pait?” kunot-noo na tanong pa ni Erica. “Hindi totoo ‘yon,” sagot naman ni Alex saka sinalinan ang baso niya. Ramdam niya ang titig ni Erica nang uminom siya at muli siyang natawa nang makita ang gulat sa mukha nito. “Grabe parang umiinom ka lang ng tubig ah?” komento pa ni Erica na muli niyang ikinatawa. Nagpatuloy sila sa pag-inom habang nagkukwento si Erica ng mga nangyayari sa buhay niya. Ngunit sa ikalimang shot ay biglang bumagsak ang ulo ni Erica sa lamesa tanda na lasing na ito. Napailing na lamang si Alex saka tumayo, maingat na binuhat niya ang dalaga saka inihiga sa kama nito at kinumutan. Bago matulog ay niligpit muna niya ang mga kalat at itinabi ang alak na nakalahati lamang nila. Nagpalit din muna siya ng damit at nag-toothbrush bago humiga sa kama niya. “Good night, Erica,” mahinang bulong niya bago ipikit ang mga mata. *** Maaga na nagising kinabukasan si Alex. Alam niyang hindi magiging maganda ang pakiramdam ni Erica kaya agad siyang lumabas at bumili ng pagkain nila. Bumili na rin siya ng mainit na arroz caldo para maibsan ang hangover ng dalaga pati na rin ang mainit na kape. Habang naghihintay ay naglakad-lakad muna siya sa dalampasigan at nang mapagod ay bumalik sa restaurant, sakto naman handa na ang inorder niya kaya agad niya iyon kinuha at bumalik sa kuwarto nila ni Erica. “Ang sakit ng ulo ko tapos para akong nasusuka at nanghihina,” wika ni Erica nang makasalubong niya ito na galing sa banyo. Inilapag niya ang mga pagkain sa lamesa saka isa-isa iyong inilabas. “Kumain ka na para bumalik ang lakas mo,” wika ni Alex saka sinulyapan ang dalaga na hindi maipinta ang mukha. “Hindi na ako iinom ulit ng alak! Sinusumpa ko na ‘yan!” malakas na sabi nito saka naglakad pabalik ng banyo habang sapo ang bibig. “May lakas ka ba para sa adventure natin ngayon?” tanong pa ni Alex. Agad na lumabas naman si Erica mula sa banyo at naglakad palapit dito. “Of course! Hindi ako weak para magpatalo sa alak!” Mahina na natawa na lamang si Alex sa tinuran ng dalaga saka inaya ito na kumain. Magkasalubong ang kilay na naupo naman si Erica sa harapan niya saka iniabot ang kutsara at nagsimula na kainin ang arroz caldo. “Ang sarap!” eksahedera na wika pa ng dalaga na tila mabilis na nawala ang nararamdaman dahil sa mainit na pagkain. Pagkatapos kumain ay agad na naghanda ang dalaga para sa gagawin nila ngayong araw. Habang nasa banyo si Erica ay nagpalit ng board shorts and plain shirt si Alex kung saan kitang-kita ang malapad niyang katawan. Iniwan niya ang cellphone sa loob ng bag saka nag-apply ng sunscreen at nang matapos ay kinatok niya si Erica at sinabi na sa labas na lamang niya ito hihintayin. Nang isara ni Alex ang pinto ng kuwarto nila ay siya namang paglabas ni Erica mula sa banyo. Mabilis ang kilos na itinali niya ang mahabang buhok saka tumayo sa harapan ng mahabang salamin. She’s wearing a one-piece yellow swimsuit, simple lamang ang style niyon pero hubog na hubog ang katawan ni Erica at talaga nga naman na na-e-emphasize ang slim figure niya. Matapos masiguro na maayos ang pagkakasuot niya ng swimsuit ay nagsuot din siya ng denim shorts, kinuha niya ang sunglasses, camera at cellphone saka inilagay sa waterproof na small bag. Sandali pa siya na umikot sa harapan ng salamin at nang makuntento sa itsura ay lumabas na ng kuwarto. Alex and Erica rode a tricycle na magdadala sa kanila patungo sa kabilang beach kung saan pwedeng mag-snorkeling. Pagkarating doon ay agad silang binigyang ng life vest at sinabi na sumakay ng bangka. May mga iba silang kasama dahil per head ay bayad doon which is okay lang naman kay Erica dahil hindi naman siya maarte. Magkatabi na naupo ang dalawa sa bandang dulo ng bangka at habang hinihintay ang mga kasama nila ay inilabas muna ni Erica ang camera niya saka nagsimulang mag-picture sa paligid. Palihim na kinuhanan din niya ng magandang shot si Alex habang nakatulala ito at tila malalim ang iniisip. Nang makumpleto sila ay agad na umandar ang bangka habang si Erica ay tuwang-tuwa na nagpipicture ng bawat nadadaanan nila. When they arrived at the snorkeling site ay lumipat sila sa mas maliit na bangka. Magkaharap na naupo ang dalawa doon saka kinabit ang snorkeling gears. Nang huminto ang bangka ay nauna na bumaba ng tubig si Alex saka inalalayan si Erica. Magkasabay sila na sumisid at nakakapit sa bangka habang umaandar iyon. Erica knows how to swim but this is the first time na mag-snorkeling siya. Hindi niya masyadong na-enjoy ang unang round ng paglilibot nila dahil nakakainom siya ng tubig dagat at hindi siya nakakahinga. Nakasimangot tuloy siya nang bumalik sa bangka dahil wala man lang siya nakita na magandang tanawin mula sa ilalim ng dagat. Alex cheered her up at tinuruan kung paano sumisid. Tahimik na nakikinig naman siya dito at nang bumaba sila sa pangalawang pagkakataon ay hindi na nakakainom ng tubig dagat si Erica at nakikita na niya ang magagandang isda na malayang lumalangoy. Nakita niya rin ang mga coral reefs at bahagya pa siyang natakot nang dumikit iyon sa balat niya sa pag-aakalang nangangagat iyon but when Alex explained that the reefs are like rocks ay kumalma naman si Erica. Nang magsawa sa pagsisid sina Erica ay sinundo na sila ng malaking bangka para na rin gawin ang susunod nilang adventure—ang island hopping. Kahit na napagod si Erica sa ginawa nila kanina ay tila may energy pa rin siya na kulitin si Alex para samahan siya na pumasok sa maliit na kuweba upang maranasan ang malakas na paghampas ng alon. “Sige na, Alex. Ngayon lang tayo nagpunta dito at hindi natin alam kung kailan ulit ang susunod,” wika ni Erica gamit ang paawa effect niya na mukha. Marahas na napabuntong hininga si Alex bago ito marahan na tumango na ikinatuwa ng dalaga. Magkahawak-kamay na pumasok ang dalawa sa maliit na kweba. Agad silang sinalubong ng rumaragasang alon at dahil hindi nila iyon inaasahan ay napabitaw si Erica sa kamay ni Alex. Nawalan ng kontrol ang dalaga at hindi agad nakahanap ng kakapitan kaya nahampas ito sa matulis na bato na siyang nagbigay ng sugat sa tuhod nito. “Erica!” Napapikit na lamang si Erica at hinintay na makalapit si Alex. Mahigpit na hinawakan nito ang kamay niya saka hinila palapit dito. Mabilis na nagmulat naman si Erica at ngumiti dito nang makita ang seryosong mukha ni Alex. Malalim na napabuntong hininga naman ang binata saka hinapit siya sa baywang at inakay palabas ng kuweba. “Ang saya!” bulaslas ni Erica nang makalabas sila. Nilingon niya si Alex at nakita na seryoso itong nakatingin sa kanya bago bumaba ang tingin nito sa may tuhod niya. Alam niyang may sugat iyon dahil sa kirot na nararamdaman. “Dumudugo iyong binti mo,” mahinang wika nito saka mabilis na lumuhod. Hindi pa nakapalag si Erica nang basain ni Alex ng tubig mula sa dagat ang sugat niya hanggang sa tumigil iyon sa pagdurugo. “Huwag mo ng uulitin iyon, Erica,” wika ni Alex nang bumalik ito sa tabi niya. Seryoso pa rin ang mukha nito kaya hindi na napigilan ni Erica ang mairita. They came in this island para magsaya hindi para pagalitan siya ni Alex. Isa pa ay experience ito at wala naman kaso sa kanya kahit ilang beses pa na masugatan ang mahalaga ay masaya siya. “Hindi ko naman kasalanan na malakas iyong alon,” inis na wika ni Erica saka inirapan ang binata. Inilabas na lamang niya ang camera saka nagsimulang mag-picture sa buong lugar. “Huwag mo na ulit bibitawan ang kamay ko,” mahinang wika ni Alex. Hindi iyon masyadong naintindihan ni Erica ngunit tumango na lamang ito para hindi na sila magtalo pa. Nang matapos sila sa island na iyon ay nagpunta naman sila sa island kung saan maraming palm tree at ang floating seafood restaurant na hinahanap ni Erica. Tila nakalimutan ni Erica ang inis kay Alex kanina at wala sa sarili na hinila ang binata patungo doon. Agad na naupo sila sa bakanteng lamesa at dahil nagugutom na ay nagpasya na rin sila na kumain. Erica ordered the most expensive set which is the different kinds of seafood and unli rice with red iced tea. Magana at sarap na sarap na kumain si Erica habang si Alex naman ang tiga-balat ng shrimp. Kahit na hindi masyadong makakain ay masaya naman siyang makita na masayang kumakain ang kasama niya. Ang huling island na pinuntahan nila ay ang island kung saan maraming coconut tree. Bumili ang dalawa ng fresh buko juice na sa mismong coconut iinumin, namili rin ng mga pearls si Erica kahit na wala naman siyang papasalubungan. Hapon nang makabalik ang dalawa sa room nila. Sandali na nag-shower lamang si Erica at nang matapos ay agad na nakatulog. Hinayaan naman ito ni Alex at nag-shower na lamang din at dahil napagod siya sa ginawa nila ay hindi niya namalayan na nakatulog siya matapos niyang mahiga sa kama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD