Chapter 5

2133 Words
Maaga na nagising si Erica kinabukasan. Pagmulat pa lamang ng mga mata niya ay agad na iniabot niya ang cellphone para tignan kung nag-reply ba si Alex sa text message na pinadala niya kinagabihan. Hindi mapigilan ng dalaga ang mapangiti nang makita ang pangalan ni Alex sa notification bar ng cellphone niya. From: Alex Castro Kitakits bukas :) Ngiting-ngiti na bumangon si Erica saka nagtungo sa walk-in closet para maghanap ng damit na isusuot. Hindi siya nakapag-impake kagabi kaya ngayon niya pa lang aayusin ang mga dadalhin, tanghali pa naman ang alis nila kaya marami pa siyang time na mamili sa sandamakmak na damit na mayroon siya. Kinuha niya ang travelling bag at maayos na tiniklop ang mga swimwear na napili niya, sinunod niyang inilagay ang damit pamalit pagkuwa’y ang mga toiletries. Nagdala rin siya ng maraming extra na damit kung sakali na mabitin siya at maisipan na lumipat sa ibang beach. Marami naman silang time ni Alex kaya hindi siya worried na magpunta sa kung saan niya maisipan. Saktong nakaligo na si Erica at nakabihis nang marinig niya ang pagtunog ng doorbell. Patakbo na tinawid niya ang distanya mula sa kuwarto patungo sa pintuan at nakangiti na binuksan ang pinto. Malawak siyang napangiti nang mabungaran ang fresh at gwapong mukha ni Alex na nakasuot ng simpleng plain white shirt and denim shorts na tinernuhan ng black na slippers. Nakasukbit sa balikat nito ang backpack at nakangiti sa kanya. Alam naman ni Erica na gwapo si Alex, unang kita pa lamang niya dito ay nagwapuhan na siya sa kapatid ng kaibigan ngunit dahil dati itong jeepney driver at buong araw na namamasada ay hindi maiiwasan na maging madungis ito at amoy araw. Ngunit ngayon na driver na niya ito at nakakapag-ayos na ay lalo itong gumwapo sa paningin niya. Sobrang gwapo na kung hindi lang ito kapatid ni Alyssa ay baka jinowa na niya ito. “Tuloy ka,” wika ni Erica matapos pagmasdan ang kaharap. Nakangiti na tumango naman si Alex saka humakbang papasok sa condo unit ni Erica. Agad na sumunod naman ang dalaga sa panauhin matapos isara ang pinto at nagtungo sa sala. “Anong gusto mo? Coffee? Juice? Water?” “Okay lang ako, Erica. Pasensya na ang aga ko, akala ko kasi mata-traffic ako eh,” mabilis na sagot naman ni Alex. Doon lang napagtanto ni Erica na hindi lamang siya ang excited sa trip na ito kung hindi pati na rin ang driver niya. Pasimple na tinignan niya ang wall clock na nakasabit sa dingding ng sala niya at nakita na 10:30 pa lamang ng umaga. “Hindi pa ako nag-be-breakfast. Gusto mo bang kumain muna? May café malapit dito sa condo,” tanong pa ni Erica. “Ikaw bahala, Erica. Ayos lang sa akin kahit na ano ang gusto mong gawin,” nakangiti na sagot naman ni Alex dito. “Ang boring naman. Kahit naman gusto ko dapat sabihin mo rin ‘yong opinion mo hindi iyong puro ka na lang ‘oo’ ang isinasagot mo,” tila naiinis na wika ni Erica habang nakataas ang isang kilay. Hindi naman umimik si Alex at nginitian ang dalaga na nakapamewang sa harapan niya. Sandali pang nag-sermon si Erica kung ano ang dapat at hindi gawin ni Alex sa tuwing magkasama sila bago magdesisyon na kumain sa café na sinasabi ng dalaga. Si Alex ang nagbitbit ng traveling bag niya, siniguro nila na nakapatay ang kuryente ng unit ni Erica bago sila lumabas at maglakad patungo sa elevator. Nang makarating sila sa café ay agad na naupo ang dalawa sa bakante na lamesa. Katulad noong lunch na magkasama sila ay hinayaan ni Alex si Erica na um-order ng pagkain niya. Hindi naman na nakipagtalo pa si Erica dahil nagugutom na rin siya at para matapos na. Alam niya naman kasi na matigas ang ulo ng binata at baka humaba pa ang diskusyunan kapag nakipagtalo pa siya dito. Tahimik na kumain ang dalawa nang dumating ang pagkain nila. Erica ordered a French toast with bacon for Alex while omelet with hashbrown naman ang sa kanya. She also ordered a cup of hot americano for the both of them and a slice of cake dahil bigla siyang nag-crave sa paborito niyang mango cheesecake. “CR lang ako,” mahinang wika ni Erica nang matapos siyang kumain. Tahimik na tumango naman si Alex kaya mabilis siya na tumayo at nagtungo sa CR. Pagbalik ni Erica sa lamesa ay nakita na tapos na rin ito sa pagkain. Muli siyang naupo sa harapan nito saka sinabi na tulungan siya na kainin ang slice of cake na in-order. Agad na tumalima naman si Alex at kahit na kapwa silang natahimik ay hindi na lamang iyon pinansin ni Erica dahil malakas ang pakiramdam niya na medyo naiilang sa kanya si Alex. Around 12 P.M nang makalabas ng city sina Erica at Alex. Mula sa cellphone ay nag-angat ng tingin si Erica nang maramdaman ang pagtigil ng sasakyan nila. Mabilis na luminga siya sa paligid at nakita na kasalukuyan na silang nakapila sa toll gate. Ibinaba niya ang cellphone sa kandungan niya saka kumuha ng cash mula sa wallet niya at iniabot kay Alex. Tahimik na tinanggap naman iyon ni Alex habang ang tingin ay nasa harapan. Nang muling umandar ang sasakyan nila ay binalik ni Erica ang atensyon sa cellphone. Nanonood siya ng mga clips and videos mula sa social media niya ngunit dahil halos paulit-ulit na lang ang nakikita niya ay ibinaba niya ang cellphone saka tumingin na lamang sa labas ng bintana. Tahimik na pinagmasdan niya ang mga tanawin na nadadaanan. Hindi namalayan ni Erica na nakatulog siya at nagising nang maramdaman ang muling pagtigil ng sasakyan. Mabilis siyang napabalikwas at luminga sa paligid, only to find out na nag-iisa na lamang siya habang nakatayo si Alex sa labas hindi kalayuan sa kinaroroonan ng sasakyan at kasalukuyang naninigarilyo. Bahagya na ibinaba ni Erica ang bintana habang nakatingin kay Alex, ilang sandali pa ay lumingon ito sa kanya at tumango. Agad na nag-iwas siya ng tingin saka umayos ng upo pagkuwa’y huminga ng malalim. Lumipas pa ang ilang minuto bago pumasok si Alex sa loob ng sasakyan. Agad na naamoy ni Erica ang pinagalong menthol at mint dito nang tumabi ito sa kanya. “Akala ko nag-quit ka na?” hindi niya mapigilan na tanong dito na ang tinutukoy ang paninigarilyo nito. She remembered na narinig niya mismo kay Alex na titigil na ito sa bisyo niya sa oras na gumraduate sila nila Alyssa. Lagi kasi itong pinapagalitan ng kapatid ngunit dahil wala si Alyssa ay mukhang walang nagbabawal dito. “Ngayon na lang ulit,” mahinang tugon naman ni Alex. Tumango na lamang si Erica saka muling tumingin sa labas ng bintana. Nalunod siya sa malalim na pag-iisip kung dapat ba niya isumbong kay Alyssa si Alex o hayaan na lang. Hindi naman sa nangingialam siya sa buhay nito pero kasi hindi maganda ang sigarilyo sa katawan and concern lang siya as a friend. Ilang oras pa ang binyahe nila bago makarating sa pier na siyang magdadala sa kanila sa island na napili ni Erica. As soon as Alex parked the car ay agad na bumaba si Erica at pumili sa counter para bumili ng ticket. Pinili niya ang malaking barko na siyang sasakyan nila para madala ang sasakyan sa isla. Nang matapos ay bumalik siya kay Alex at sinabi ang oras nang alis nila. They still have an hour before the departure of the boat kaya kumain muna sila sa unang kainan na nakita nila at dahil hindi nagugutom si Erica ay sandwich lang ang kinain niya habang si Alex ay nag-order ng rice and kare-kare. Two hours ang byahe mula sa Pier patungo sa isla kaya habang hinihintay si Alex na isakay ang sasakyan nila sa barko ay nagtungo sa deck si Erica at tumayo sa gilid ng railings matapos ilagay ang mga bag sa upuan na nakalaan para sa kanila. Hinayaan niya na tangayin ng malamig na hangin ang mahaba niyang buhok saka pumikit. Hindi niya mapigilan ang mapangiti nang dumampi ang hangin sa mukha niya at manuot ang lamig niyon sa kalamnan niya. She’s wearing a short shorts and sleeveless crop top kaya damang-dama niya ang lamig. Dahan-dahan na iminulat ni Erica ang mga mata nang maramdaman na may tumayo sa gilid niya. Hindi niya na kailangan na lingunin pa iyon dahil amoy pa lang ay alam na niyang si Alex iyon. “Excited ka na ba?” dinig niyang wika ni Alex. Marahan na tumango siya dito saka muling ngumiti. “Sobra. Ngayon lang ako naging malaya ng ganito kaya sobra pa sa sobra ang excitement na nararamdaman ko,” sagot pa ni Erica. “Bakit ngayon lang?” tanong naman ni Alex. “Because my parents are strict. Nakawala lang ako sa kanila noong nagpakasal ang Ate ko kaya nagawa kong mag-enroll sa government school. Parang nakalimutan nila ako noong mga panahon iyon but when my sister and her husband filed for a divorce ay bumalik ang atensyon nila sa akin. They realized that the arrange marriage thing didn’t work on my sister kaya i-ta-try nila sa akin. They need an heir but I’m the black sheep of the family kaya hindi nila ako mapilit kahit pa anong pananakot ang gawin nila,” mahabang wika ni Erica. Hindi naman siya nag-da-drama, gusto lang niyang magkuwento dahil ngayon na lamang ulit siya kinausap ni Alex. Buong byahe kasi nila ay tahimik lamang ito kaya puro tulog lang ang ginawa niya. “Pero totoo ba na ikakasal ka sa iba?” “Wala akong choice. Once na maunahan nila akong makahanap ng perfect groom ay ipapakasal nila ako sa lalong madaling panahon,” Hindi umimik si Alex at nang lingunin ito ni Erica ay nakatingin lamang ito sa malawak na dagat. Hindi malaman ni Erica pero bigla siyang nakaramdam ng lungkot, umasa kasi siya ng kakaibang reaksyon mula sa kausap. Nang marinig nila ang anunsyo mula sa speakers ay naupo na ang dalawa. Sa may tabi ng railings pumwesto si Erica at nanatili na nakatingin sa dagat habang nagsisimulang gumalaw ang barko. Katahimikan ang muling namayani sa pagitan ng dalawa hanggang sa makarating sila sa isla. Pagkarating nila ng isla ay muling nag-drive si Alex patungo sa beach. Wala naman masyadong ginawa si Erica ngunit tila napagod siya sa haba ng byahe kaya nang makarating sa room nila ay agad itong nagpalit ng damit at nahiga sa kama. Hindi na niya narinig pa ang sinabi ni Alex dahil tuluyan na siyang nagpahila sa antok. *** Marahas na napabuntong hininga si Alex nang makaupo ito sa katapat na kama kung saan nakadapa si Erica at natutulog. Tinanong niya kanina si Erica kung pwede siyang humiwalay ng kuwarto dahil hindi tama para sa kanya na magkasama ang driver at amo ngunit tila napagod ito sa byahe at agad na nakatulog. Hindi tuloy malaman ni Alex ang gagawin lalo pa at nasa kabilang kama lamang ang babaeng tinatangi. Bahala na. Wika ng isang bahagi ng isipan niya. Wala naman siyang balak na masama kay Erica dahil kaibigan pa rin ito ng kapatid niya at malaki ang respeto niya dito. Nahihiya lang siya sa presensya nito dahil pakiramdam niya ang nanliliit siya sa tuwing kasama ang dalaga. Doon pa lang sa pagbabayad nito sa bawat pagkain nila sa labas ay hiyang-hiya na siya sa sarili kaya nga hindi niya ito magawang kausapin sa buong byahe nila kahit na gustong-gusto niya. Alam naman niya na trabaho ang dahilan kung bakit sila magkasama ngayon ni Erica. Isinuksok niya sa isipan niya na amo niya ito at pinapasahuran lamang siya ng dalaga pero hindi pa rin niya maiwasan na masaktan ang pride niya. Dapat siya ang nagbabayad at gumagastos para sa kanila ngunit paano niya magagawa iyan kung wala siyang ibang makuha na trabaho? Gusto niya si Erica pero paano niya ito masusuportahan at makakayang buhayin kung wala pa sa kalingkingan ang pera ng pamilya niya sa kayamanan na mayroon ang pamilya nito. At bakit sa tuwing nakakaramdam siya ng kasiyahan kapag kasama ito ay siya namang pagsampal sa kanya ng reyalidad na kailanman ay hindi siya magugustuhan ni Erica? Wala sa sariling napangiti si Alex nang makita ang paggalaw ni Erica. Mula sa pagkakadapa ay bigla itong tumihaya dahilan para malihis ang laylayan ng suot nitong t-shirt. Mabilis na naglaho ang ngiti sa mga labi niya nang masilayan ang maputi at makinis nitong tiyan at bago pa siya makapag-isip ng kung ano ano ay mabilis siya na tumayo at naglakad palabas ng kuwarto nila. “Hindi puwede si Erica. Kaibigan siya ng kapatid mo at anak siya ng mayaman. Hindi siya puwede kahit pa ano ang gawin mo,” bulong niya sa sarili saka nagsimulang maglakad patungo sa dalampasigan kung saan may mga taong nagtatampisaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD