The first time Alex met Erica was when his sister freshmen orientation. Malayo ang bahay nila Alex mula sa school ni Alyssa kaya nangako siya na susunduin ito para hindi na ito mahirapan sa pag-commute. He was a jeepney driver at that time na sumusuporta sa pang-matrikula ng kapatid niya.
Nakuha ng mahabang buhok ni Erica ang atensyon niya nang makita niya itong naglalakad kasama ang kapatid. Erica was wearing a white off-shoulder dress and she really look like a goddess in Alex’s eyes.
“Ang aga mo yata dumating? Tapos ka na bumyahe?” tanong ni Aly sa kanya nang makalapit ang mga ito.
“Nakalimutan ko kasi kung anong oras ang labas niyo kaya inagahan ko,” mabilis na tugon naman ni Alex saka nilingon ang kasama ng kapatid.
“Si Erica nga pala, Erica si Alex twin brother ko,” pagpapakilala sa kanila ni Alyssa. Bigla ay nag-alangan na ilahad ni Alex ang kamay dito nang makita na marumi ang kamay niya. Sa huli ay ngumiti na lamang siya dito dahil mukhang hindi interesado na makipag-kamay sa kanya ang dalaga.
Pasimple na pinunasan ni Alex ang kamay gamit ang dalang bimpo nang magsalita si Erica.
“Ang gwapo naman ng kakambal mo Aly,” nakangiti na wika nito.
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Alex nang marinig ang sinabi ng dalaga. Hindi niya maintindihan pero bigla siyang nakaramdam ng hiya dahil sa narinig. Bigla rin siyang na-conscious sa itsura dahil alam niyang madungis siya at amoy pawis dahil sa maghapon na pagbabad sa kalsada. Sinamahan pa ng amoy ng usok at araw.
“Hindi lang ‘yan gwapo mabait din at talagang mapagmahal na kapatid,” pagmamalaki pa ni Alyssa na lalong ikinahiya ni Alex. Tila natanggal ang angas niya sa mga oras na iyon at kahit gusto niyang kausapin ang bagong kaibigan ng kapatid ay hindi niya nagawa at nag-aksaya na lamang sa pakikinig sa magandang boses nito habang nagku-kwentuhan sila ni Aly.
Hinatid niya ang dalaga hanggang sa sakayan at bago sila umalis ay hinintay muna nila ito na makasakay sa bus. Nang sila na lamang na dalawa ng kapatid ay nag-umpisa itong magkuwento kung paano sila nagkakilala at kung paano siya nito lapitan.
Sa mga sumunod na araw ay palaging sinusundo ni Alex si Alyssa upang masilayan si Erica. Hindi katulad noong una ay umuuwi muna siya sa bahay nila para maligo at mabihis para fresh siya kapag humarap sa mga ito. Nawala ang hiya na naramdaman niya noong una at naging malaya siya na lumapit sa dalaga na ikinatuwa naman nito.
Ngunit ang pagpapapansin niya kay Erica ay panandalian lamang dahil agad iyon nahalata ng kapatid at kinausap siya.
“May gusto ka ba kay Erica, Alex?” tanong ni Alyssa isang gabi nang makauwi sila sa bahay nila. Sandali na natigilan si Alex sa narinig at nang makabawi ay nagtuloy sa paglalakad papasok sa kuwarto niya.
“Kaibigan ko si Erica at kung okay lang ay sana hindi ka magkagusto sa kanya. Parang ang awkward kasi if ever na maging kayo. Saka ‘di ba ang sabi mo dati ay hindi mo papatulan ang mga magiging kaibigan ko kasi kapatid din dapat ang turing mo sa kanila? Dapat ganoon mo rin ituring si Erica,” dinig niyang wika ng kapatid mula sa likod ng pinto ng kuwarto niya. Hindi siya umimik at nahiga sa kama ngunit hindi siya pinatahimik ng mga salitang iyon at para na rin hindi siya mapagalitan ng kapatid ay tumigil na siya sa pagpunta sa eskwelahan nito at naghanap buhay na lamang.
Tama nga naman kasi si Alyssa, hindi niya dapat tinatalo ang mga kaibigan ng kapatid bagkus ay dapat ituring niya ito bilang isang kapatid.
Nakikita pa rin naman niya si Erica sa tuwing bibisita ito sa kanila o hindi kaya magpapasundo si Alyssa dahil wala na itong pamasahe. Kinakausap at nginitian naman siya ng dalaga sa tuwing nakikita siya nito ngunit hanggang doon na lang. Masaya naman siya sa ganoong paraan ng komunikasyon na mayroon sila dahil kahit papaano ay nakikita niya pa ito.
Ngunit nang biglang mawala ang kapatid niya matapos maka-graduate ay wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang lumapit kay Erica. Isa pang dahilan ay nalaman niya ang sikreto tungkol sa buhay nito at kahit ayaw niyang manghingi ng tulong ay wala siyang pagpipilian. Wala kasi talaga silang ibang malalapitan kahit na sino.
Nang mapansin ang dumidilim ng kalangitan ay napagpasyahan ni Alex na bumalik na sa kuwarto nila. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya ang paglingon sa kanya ni Erica, mahahalata sa mga mata nito na kakagising lang at gulo-gulo pa ang buhok.
“Saan ka nanggaling?” inaantok na wika ni Erica at bahagya pang uminat para magising ito.
“Naglakad-lakad lang d’yan sa tabi ng dagat. Kumusta ang tulog mo?” nakangiting tanong naman ni Alex na naupo pa sa kama na para sa kanya para mas malapit na matignan ang dalaga.
“Refreshing, pwede na akong magpuyat mamaya,” sagot naman ni Erica saka mahinang tumawa. Dahan-dahan itong bumango saka naupo sa ibabaw ng kama habang nakangiti kay Alex.
“Gutom ka na ba? Maraming kainan d’yan na may live band, ‘di ba mahilig ka sa ganoon?” tanong pa ni Alex dito.
“Tinatamad pa akong kumilos. Anong oras na?” wika pa ni Erica saka muling bumalik sa pagkakahiga.
“5:45 P.M,” tipid na sagot naman ni Alex matapos tignan ang cellphone na nasa ibabaw ng side table.
“Nagugutom ka na ba? Pwede naman yata tayong magpadeliver na lang muna?” tanong pa ni Erica na marahan na ikinailing ni Alex.
“Mas maganda kung lalabas tayo para makita mo kung gaano kaganda sa labas,” suhestyon niya pa. Tila napaisip naman si Erica at matapos ang ilang sandali ay pumayag na rin ito.
“Mag-wash up lang ako ng mabilisan then labas na tayo,” wika pa ng dalaga saka mabilis na bumangon at nagtungo sa bag nito para maghanap ng isusuot. Nang pumasok sa bathroom si Erica ay nahiga si Alex sa kama saka kinuha ang cellphone niya. Nakapagpalit naman na siya kanina kaya hihintayin na lamang niya si Erica.
Hindi likas na maarte si Erica kaya hindi niya maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay namimili pa rin sila ng lugar kung saan sila kakain. Ilang minuto na ang nakalipas pero naglalakad pa rin sila habang paminsan-minsan ay tumitingin ng menu na ino-offer sa kanila ng mga staff na nagtatawag ng customer.
Kung tutuusin ay pare-pareho lamang ang mga pagkain pero may hinahanap kasi siya na hindi niya makita sa lahat ng nadaanan nila.
“Ano ba ang gusto mong pagkain?” dinig niyang tanong ni Alex na mukhang naiinip na dahil kanina pa sila naglalakad. Pakiramdam din niya ay gutom na ito dahil ang huling kain nila ay noong nasa pier pa sila.
“I’m sorry. May nakita kasi ako na kainan ‘nong nagre-research ako about this place but I guess wala na ‘yon dahil last two years pa ‘yong travel blog na nabasa ko,” wika ni Erica pagkuwa’y huminto sa paglalakad. Mabilis na inilibot niya ang paningin sa paligid at napabuntong hininga dahil talaga iyong hinahanap niya.
“Anong pangalan ng place?” tanong pa ni Alex. Mabilis na kinuha naman ni Erica ang cellphone niya para ipakita dito ang screenshot ng place na sinasabi niya. It’s a floating seafood restaurant na napapaligiran ng mga bato at palm tree. Hindi katulad nang nasa picture ay kakaunti lamang ang palm tree na nakikita niya kung nasaan man sila.
“Nasa ibang island yata ‘to. Itanong na lang natin sa mga bangkero bukas kapag nag-snorkeling tayo, baka mapuntahan natin kapag nag-island hopping tayo,” wika pa ni Alex matapos ibalik ang cellphone kay Erica. Napabuntong hininga naman si Erica saka napatango na lamang.
“Gusto mo bang doon na lang kumain? Mukhang masarap mga food nila at unli rice pa,” wika niya sabay turo sa kainan na nasa pinaka-una. Kaunti lang ang tao doon kumpara sa nadaanan nila at mukhang masarap ang food at malaki ang servings. Mabilis na tumango naman si Alex saka hinawakan ang kamay niya at hinila patungo doon.
Naupo ang dalawa sa unang bakanteng mesa na nakita nila. Tumingin sila sa menu board at nag-isip ng kakainin.
“Anong sayo? Gusto ko i-try iyong chicken inasal nila,” wika ni Erica nang makapili na ito. Agad na hinarap niya si Alex na mukhang nakapili na rin.
“Sinigang na bangus sa akin,” nakangiti na wika nito sa kanya.
“How about drinks?” tanong pa ng dalaga.
“Tubig na lang,” sagot pa ni Alex. Tumango naman si Erica dito saka tumayo at naglakad patungo sa counter. Self service ang kainan kung nasaan sila kaya walang lumalapit para kuhanin ang order nila, pay as you order din which is okay lang naman dahil mukhang pagod na ang mga staff.
Matapos mag-order ni Erica ay agad siyang bumalik sa lamesa nila. Naabutan niyang nakatanaw si Alex sa may dalampasigan at nang lingunin niya iyon ay nakita niyang may nag-fa-fire dancing. Mabilis na tumayo siya at lumipat sa tabi ni Alex para maayos na mapanood ang mga sumasayaw.
“Anong gusto mong gawin pagkatapos natin kumain?” tanong ni Alex saka nilingon ang dalaga na nasa tabi niya.
“Gusto kong tumambay doon sa tabi ng dagat. Higa tayo sa buhanginan habang nakatingin sa mga stars,” mabilis na sagot naman ni Erica saka ngumiti.
“Nagdala ka ba ng kumot? Kakapit sa buhok mo ‘yong mga buhangin kapag nahiga ka doon ng walang sapin,” sabi pa ni Alex.
“Wala akong dala pero okay lang sa akin na madumihan. Maliligo na lang ulit ako.” Napailing si Alex sa narinig at pinili na hindi na lamang magkomento. Ibinalik niya ang tingin sa dalampasigan at tahimik na nanood sa panibagong grupo na sumasayaw hanggang sa dumating ang pagkain nila.
Pagkatapos kumain ay muling naglakad-lakad ang dalawa sa dalampasigan. Hinayaan nilang mabasa ang mga paa nila ng tubig na nanggagaling sa mahinang alon ng dagat. Kapwa sila tahimik na pinapakinggan ang ingay sa paligid habang nakatingin sa kawalan.
Napayakap si Erica sa sarili nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Bigla tuloy siyang nagsisi na ang pinili niyang suutin ang sleeveless white dress niya kaysa ang mag-shirt. Pero dahil wala na siyang magagawa pa ay tiniis na lamang niya ang lamig at nagpatuloy sa paglalakad.
“Upo tayo?” dinig niyang tanong ni Alex. Tumango naman siya dito bilang tugon. Muli ay hinawakan ni Alex ang kamay niya at hinila palayo sa tabi ng dagat saka naupo sa buhanginan, malayo sa isang grupo na kasalukuyang nakapalibot sa bonfire.
Pagkaupo ni Erica sa buhanginan ay agad siyang humiga at tumitig sa kalangitan na punong-puno ng mga bituin. Nanatili naman na nakaupo si Alex saka tumingala rin sa langit habang nakatungkod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid nito.
“May nakausap na pala ako kanina na bangkero para sa snorkeling at island hopping. Mayroon din daw sila ditong mga water activities, kung sakali na gusto mong subukan,” basag ni Alex sa katahimikan na namayani sa pagitan nila. Nilipat niya ang tingin kay Erica na bahagyang tumingin sa kanya.
“Marami akong gustong gawin pero feeling ko mapapagod ako after ng snorkeling so baka the next day na lang ang water activities. Kung hindi kasya ang 3 days and 2 nights ay pwede naman tayong mag-extend eh,” wika naman ni Erica. Tumango si Alex dito saka muli na lamang tumingala sa kalangitan.
Ilang sandali pa ay naramdaman ni Alex ang pagbangon ni Erica. Bahagya itong lumapit sa kanya at hinawakan ang braso niya kaya mabilis niya itong nilingon.
“Parang gusto ko uminom ng alak. Ikaw ba?” nakangiti na wika ni Erica. Sandali na tinitigan naman siya ni Alex bago ito magsalita.
“Akala ko ba gusto mong pumunta dito para mag-relax?”
“Kasama sa pagre-relax ang alak, duh!” katwiran pa ni Erica saka tumayo. Pinagpagan nito ang damit saka hinintay na tumayo ang binata. Wala naman nagawa si Alex kung hindi ang sumunod dito nang magsimula itong maglakad.
“Anong iinumin natin?” tanong ni Alex nang mahabol niya ang dalaga.
“Ang sabi sa akin ni Alyssa ay marunong ka raw magtimpla ng mga alak? Like hard drinks tapos lalagyan ng soft drinks? Hindi ko pa natitikman iyon eh,” mahabang wika naman nito na huminto pa talaga sa paglalakad.
“Saan tayo iinom?” tanong muli ni Alex.
“Saan mo ba gusto?” balik-tanong naman ni Erica.
“Ikaw?” tanong pa ni Alex sa dalaga.
“Bawal yata diyan sa tabi ng dagat kaya sa room na lang tayo,” wika naman ni Erica sabay turo sa tingin niya ay staff ng beach na sumisita sa mga nasa dalampasigan.
“Okay. Doon mo na lang ako hintayin, ako na bibili ng inumin natin,” sabi pa ni Alex saka tumango matapos mag-abot ng cash ni Erica.
“Bilisan mo ah!” wika pa nito sa kanya bago ito maglakad patungo sa direksyon ng room na inupahan nila.
“Oo na,” nakangiti na wika naman niya saka naglakad patungo sa mini convenience store nang masiguro na nakapasok na si Erica sa room nila. Mabuti na lamang at malapit lamang sa dagat ang na-book nito na kuwarto kaya natatanaw niya pa rin ito.