“Alis na ako.” Hindi na hinintay pa ni Alex na magsalita si Erica at mabilis na tumalikod at naglakad palabas ng condo ng dalaga. He mainted his poker face habang naglalakad patungo sa elevator ngunit nang makita na nandoon ang pamilya ni Erica at kasalukuyan na naghihintay ay lumiko siya patungo sa fire exit at naghagdan na lamang. Friends? Parang baliw na tumatawa mag-isa si Alex nang maisip ang sinabi ni Erica. After everything they did ay magkaibigan lang sila? Pero tama naman kasi si Erica. Ilang beses ng sinabi ni Alex na mahal niya ang dalaga pero wala itong sagot, kaya ano pa ba ang pwedeng itawag sa relasyon nila maliban sa pagiging magkaibigan? Friends with benefits? Maybe, and Alex can’t blame Erica kung hindi siya nito magawang mahalin dahil sino nga ba siya? Kahit pa sab