From: My Lovely Erica Can I call? From: My Lovely Erica Can we talk? Marahas na napabuntong hininga si Alex saka ibinagsak ang katawan sa malambot niya na kama. It’s past lunch time nang makauwi siya sa bahay nila sa Aldwyne, maaga naman siyang bumyahe mula sa Metro ngunit dahil dumaan pa siya sa hotel para kuhanin ang mga naiwan na gamit nila ni Erica ay medyo natagalan siya. He feels so exhausted. Mabuti na lamang at walang tao sa bahay nila nang dumating siya dahil hindi niya alam kung paano kakausapin ang mga magulang lalo na ang kapatid sa oras na makita siya nito. Alex closes his eyes at itinakip doon ang isang braso. Huminga muna siya ng malalim bago hayaan ang sarili na hilahin ng antok. He’s really exhausted at sa mga oras na iyon ay gusto na lamang niya matulog at huwag ng