Just like what Erica wanted, hindi sila lumabas ng hotel room at maghapon lamang na natulog. It was past dinner time nang sabay silang magising, agad na tumawag ng room service si Alex para sa pagkain nila habang nag-quick shower naman si Erica. Saktong nakalabas na ang dalaga sa bathroom nang tumunog ang cellphone nito. Nagmadali sa paglalakad si Erica and wearing only a white robe ay naupo ito sa kama at kinuha ang cellphone na kasalukuyan pa rin na umiilaw. Napabuntong hininga siya nang makita ang pangalan ng ina saka tinignan muna si Alex na nakatingin na sa kanya bago sagutin ang tawag. “Yes mom?” mahinang wika ni Erica saka tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Naglakad ito patungo sa cabinet at naghanap ng susuutin. “Where are you?” dinig niyang wika ng ina mula sa kabilang linya. N