Effective ang paandar na ginawa ni Alex dahil kinabukasan ay magaling na si Erica. Magaan ang pakiramdam ni Erica nang magising siya kinabukasan. She got up as soon as she realized na mag-isa na lamang siya sa kama. Humihikab na lumabas siya ng kuwarto at dumiretso ng kusina kung saan may narinig siya na ingay. At hindi niya napigilan ang pagngiti nang makita ang topless na asawa. Nakatalikod ito sa kanya na tanging ang boxer shorts lamang ang suo at apron na ang harapan lang nito ang natatakpan. Erica sighs contently as she walks toward her husband. Maingat na pinulupot niya ang mga braso sa baywang nito at sumubsob sa malapad nitong likod. “Good morning my love. Kumusta ang pakiramdam mo?” dinig niyang wika ni Alex. “Better,” tipid na sagot naman ni Erica saka muling napabuntong hi