“Hindi ka pa rin nakakapag decide?” Natigilan si Alex sa dapat sanang pagkagat sa hawak niyang slice ng pizza nang marinig ang sinabi ni Erica. Dahan-dahan na nag-angat siya ng tingin dito saka tipid itong nginitian bago ituloy ang naudlot na pagkain. It’s been days simula nang huli silang mag-usap tungkol sa plano nitong pag-mo-modelo. Hindi siya kinulit ni Erica at binigyan ng sapat na oras para makapag-isip. He really appreciates Erica asking for his opinion and respecting him as her husband at kahit na gusto niyang pantayan niya sa pamamagitan ng pagiging supportive ay hindi niya magawa. Dahil kahit anong pag-iisip at pagpupumilit niya sa sarili na pumayag ay tutol pa rin ang isipan at puso niya. And he hates himself for that. Narinig niya ang malalim na pagbuntong hininga ni Erica