Sa mga sumunod na araw ay inabala ni Erica ang sarili sa pag-e-exercise. Kung noong unang araw niya ay halos dalawang oras lang siya nanatili doon, ngayon ay apat na oras na. Hindi siya tumitigil hangga’t hindi siya napapagod at sumasakit ang muscles niya. She realized na kapag may ginagawa siya ay nakakalimutan niya si Alex at hindi iniisip kung bakit hindi pa rin siya nito kinokontak. Erica sighs heavily as she stepped out on the treadmill. It’s been five days since she started going to the gym at nagsisimula na siyang tamarin sa paulit-ulit na ginagawa. Muli siyang huminga ng malalim at inilibot ang paningin sa kabuuan ng lugar. Kaunti lamang ang tao nang araw na iyon, maaga kasi siyang pumunta dahil gusto niyang mapagod ngunit tila hindi nakikisama ang katawan niya ngayon d