Isang araw matapos ang kasal ay agad na bumalik si Alex sa Aldwyne dahil may pasok pa ito sa eskwela. Ayaw pa nga sana umalis ni Alex dahil gusto niya pa makasama ng matagal si Erica, mabuti na lamang at napilit niya ito kasabay ang pangako na pupuntahan niya ito every weekend. Nang makaalis si Alex ay nagsimula na maglinis ng condo si Erica. She’s bored at walang maisip na gagawin kaya maglilinis na lang muna siya habang pinag-iisipan kung ano ang susunod na gagawin sa buhay niya. She wanted to be a member sa gym na nasa condo building lang din nila pero naisip niya na malungkot ang mag-isa. Naisip din niya na mag-travel ulit pero dahil hindi niya kaya ang mag-drive ng malayo at wala siyang kasama ay inalis niya iyon sa listahan niya. The only left in her bucket list is to travel abroa