Nagising si Erica sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya. Dahan-dahan na dinilat niya ang mga mata at unang bumungad sa kanya ay ang likod ni Alex na kasalukuyang may ginagawa sa mini table hindi kalayuan sa kinaroroonan niya. Bahagya siya na humikab at tumingin sa labas ng bintana at mabilis na napabangon nang makita na tumigil na ang ulan. “Oh my god!” Hindi makapaniwala na wika niya saka mabilis na tumayo at binuksan ang pinto patungo sa balcony. Agad na sinalubong siya ng malamig na hangin kaya napapikit siya kasunod ang pagngiti. Naglakad palapit si Erica sa may railings at mataman na tinitigan ang magandang tanawin. Muli siyang napangiti nang makita ang nag-iisang bahay na na napapaligiran ng mga puno. May bundok na medyo may kalayuan sa kinaroroonan niya kung saan may makapal