“Kanina ka pa ba gising, ‘nak?” tanong ni Nanay Cedes na pupungas-pungas na bumangon sa kama. Napalingon ako sa orasan na nasa gitna lang namin at eksaktong tatlumpung minuto ang nakalilipas matapos ang alas-kwatro ng umaga nang magising ito. Naabutan niya akong nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard. Nginitian ko siya at kapagkuwan ay tumango. “Good morning, ‘nay. Halos kagigising ko lang po,” saad ko naman. Totoong kagigising ko lang pero totoo rin na halos katutulog ko lang. Sa tingin ko nga ay nasa isang oras pa lang ang tulog ko. Naririnig ko na ang pagtilaok ng mga manok noong magpasyang pumikit ang aking mga mata. Ang plano ko kanina kaya ako bumaba ay para uminom at pagkatapos ay matulog na, ngunit dahil sa nangyari ay mas lalo lamang akong hindi dinalaw n