Eksaktong alas-singko nang bumaba kami sa kusina. Maliwanag na sa ibaba, ibig sabihin ay mayroon nang tao roon. Hindi katulad noong bumaba ako nang dis-oras ng gabi na hindi na ako nagbalak pang magbukas ng ilaw. Hindi ko nga alam kung nandoon na ba si Sir Austine bago ako pumunta roon, hindi ko kasi napansin dahil nga madilim. O baka naabutan niya lang ako na nagbubukas ng kanilang ref. Habang naglalakad papunta sa kusina ay hindi ko mapigilan ang hindi kabahan. Naririnig ko ang kalansingan ng kutsara at tasa na nagmumula roon. Nakasunod lang ako kay Nanay Cedes dahil hindi ko magawang lakihan ang aking mga hakbang. Baka ang bumulaga sa akin sa kusina ay ang gwapong mukha ni Sir Austine baka himatayin lang ako nang ganito kaaga. “Magandang umaga po, Nanay Cedes.” Narinig ko
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books