Halos dalawang oras na rin ang nakalilipas simula noong mahiga ako sa kama ngunit kahit ilang minuto ay hindi pa ako nakaiidlip man lang. Kahit ipikit ko ang aking mga mata ay hindi ako dalawin ng antok. Kanina pa ako pabiling-biling sa kama. Nariritong haharap ako sa bintana at nagbabaka sakali na antukin ngunit hindi rin nangyari. Naiinggit na nga ako kay Nanay Cedes dahil kanina pang mahimbing ang kaniyang tulog. Bakas din sa mukha niya ang pagod kaya siguro maagang nakatulog. Pagod din naman ako pero bakit hindi ako dalawin ng antok? Ugh! It is unfair. Kahit sa pagtulog ay naninibago ako. Magkakahalo na ang mga iniisip ko at kahit isa man lang doon ay walang nagpaantok sa akin. Naroroong isipin ko kung ilan kaya ang mga nakatayong bahay sa village na ito? Kung ilan na lang ang n