bc

UNDERWATER

book_age16+
1.1K
FOLLOW
5.9K
READ
CEO
mermaid/mermen
sweet
bxg
humorous
realistic earth
supernatural
virgin
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

The life of each living thing in the world does not only start and end in the land. Not everyone knows that there are also some creatures living in the deepest part of the ocean. They are called mermaids and mermen.

Lana Adira Oceane Warvigor or most likely known as Lana is the youngest daughter of Queen Anahita. With a beauty of a goddess, she can bewitch anyone and make them fall in love in a second.

A problem arises in her kingdom that she left no choice but to live in the land. This is where she met the guy she thought she wouldn't see anymore, Austin Roux Montemayor.

Living with humans is a great challenge to Lana since her way of living was far different from theirs. How is she going to face her new life in the city? And how will she hide her true identity from the man who is also slowly falling in love with her? What will she do if the time came wherein she needs to get back where she belongs... on the underwater world?

chap-preview
Free preview
Chapter One
“Hindi pwede ito, masiyadong magara,” saad ko sa sarili habang itinatambak sa kama ang isang pulang bestida na mayroong mga bato sa palibot nito.   Muli akong kumuha sa aking aparador ng isa pang bestida ngunit inilapag ko lang din iyon sa kama nang makitang halos katulad lang nito ang naunang nakuha. Bakit ba wala akong damit na maaaring isuot, iyong hindi sana agaw-pansin? Kung hindi kasi nangingintab ito dahil sa mga perlas o diyamante, ang iba naman ay masiyadong makulay at talagang makakakuha ng atensyon mula sa iba. Kapag lumabas ako ay siguradong mahuhuli ako ng aking ina.   Pabagsak akong humiga sa kama at tumingin sa kisame. Hindi ko alam kung ilang minuto o inabot na rin yata ako ng oras sa paghahanap lang ng damit na maaaring suotin. Iginalaw ko ang aking buntot para aliwin ang sarili. Tinatamad na akong maghanap.   Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang maramdaman kong may paparating. Mabilis akong bumangon at gamit ang mahika ay matagumpay kong naibalik isa-isa sa dating kinalalagyan ang mga damit na hinalungkat ko kanina. Matapos iyon ay dali-dali rin akong umupo sa harapan ng salamin na nasa tabi lang ng aking kama.   Tatlong magkakasunod na katok sa pinto ang narinig ko bago ang isang marahang pagbukas nito.   “Maaari ba akong pumasok, mahal ko?” saad ng isang mabining boses.   Lumingon ako at napangiti nang makita ang isang magandang babaeng nakasungaw sa bukas na pinto. Nagniningning ang mga mata niya kasabay ng malaking ngiti sa kaniyang mga labi.   “Oo naman po, ina,” sagot ko na hindi inilulubay ang tingin sa kaniya.   Ngunit pasimple rin akong tumingin sa kama. Nababahala na baka mayroong naiwang damit na nakakalat doon. Nakahinga naman ako ng maluwag nang masigurong walang makikita roon.   “Hindi ba kita naabala, anak?”   Lumangoy siya papunta sa akin. Nangingintab ang kulay lila niyang buntot na sumasabay sa malambot na galaw ng kaniyang katawan. Noong makalapit siya sa gawi ko ay agad niya akong kinintalan ng masuyong halik sa noo.   Humarap naman ako sa kaniya para mayakap siya pabalik.   “Hindi naman po, ina. Wala naman po akong ginagawa.” Namimili lang po ako ng mga damit na maaari kong suotin. Hindi ko na nabanggit iyon sapagkat alam kong gulo ang kasunod noon.   “Akala ko nga ay natutulog ka na. Nagbaka sakali lang ako na maabutan kitang gising at hindi nga ako nabigo roon,” sagot ng aking ina.   “Bakit po? May problema po ba kayo?” Nakaramdam ako ng pag-aalala. Masuyo ko siyang tiningnan at hinaplos ang makinis niyang pisngi.   Umiling naman siya sa akin. “Wala naman, mahal ko. Hindi na kasi kita masyadong nabibisita rito sa kwarto mo. Pasensya na at masiyadong naging abala ang iyong ina.”   Hinawakan niya ako sa balikat at marahang iniharap sa salamin. Kinuha niya ang suklay na nakalapag doon at masuyong hinagod nito ang aking itim na itim na buhok na halos kakulay na ng gabi.   “Naiintindihan ko naman po na marami kayong bagay na kailangan pagtuunan ng pansin, ina. Sapat na po sa akin na malaman na maayos pa rin kayong nakakauwi rito sa ating tahanan.” Nginitian ko siya habang tinitingnan ang mga repleksyon namin sa salamin.   Ang aking ina ay si Reyna Anahita Warvigor. Siya ang bukod tangi na babaeng namumuno sa isa sa tatlong kaharian sa buong Oceana. Ang Oceana ay ang tawag sa mundo namin dito sa ilalim ng karagatan. Kami ay mga lahi ng kalahating tao at kalahating isda, o kung tawagin ng mga taga-lupa ay sirena at sireno.   Binubuo ang mundo namin ng tatlong kaharian. Una ay ang Frozentide, na nasa silangang parte ng Oceana. Si Haring Caspian ang namumuno sa kahariang ito. Ang ikalawa naman na nasa kanlurang parte ay ang kaharian ng Watercut. Nagngangalang Malik naman ang hari na namumuno rito. Ang huli na siyang nasa sentro ng buong Oceana ay ang kaharian namin, ang Warvigor. Si Reyna Anahita, na aking ina, ang namamahala sa mga nasasakupang nilalang dito.   “Naiinip ka na ba rito sa loob ng iyong kwarto?” kapagkuwan ay tanong niya.   Opo, ina. Gusto ko ring lumabas. Gusto ko rin pong makipagkaibigan sa mga kapwa ko sirena na mayroong kalayaan. Ngunit sa halip na sabihin ang mga ito ay umiling ako.   “Hindi po, ina. Naaaliw naman po ako sa mga bagay na makikita rito sa aking silid,” saad ko sa kaniya.   Sa malaki at malawak na apat na sulok na kinaroroonan ko ay wala na akong mahihiling pa. Kung maaari ay inilagay na rito ng aking ina ang mga bagay na kailangan ko. May mga libro na maaari kong basahin sa tuwing naiinip ako. Mayroon ding telebisyon kung gusto kong makakita ng ibang klaseng mga nilalang. May malaki ring pridyeder na nilalagyan ng mga pagkain sa tuwing makakaramdam ako ng gutom.   “Patawad kung kailangan kong gawin ito. Patawad kung hindi kita magawang maipakilala sa mundo, anak.”   Nahimigan ko ang kalungkutan sa kaniyang boses. Parang kinurot ang puso ko dahil doon. Kaya nga hindi ko sinabi ang totoong nararamdaman ko ay dahil ayokong masaktan siya. Ayokong nalulungkot siya sa ginawang desisyon para sa sitwasyon ko.   “Naiintindihan ko po, ina.” Hinarap ko siya at niyakap. “Naiintindihan ko pong iba ako sa kanila,” sagot ko.   Simula noong ipinanganak ako ay ganito na ang takbo ng buhay ko. Memoryado ko na nga ang bawat sulok ng aking silid kahit na nakapikit ako. Dalawampu’t apat na taon na akong namamalagi lang dito.   Isa akong prinsesa ng Warvigor ngunit bilang lamang sa mga daliri ang nakakaalam noon. Mas pinili ng aking ina na ipagkait ako sa mundo at itago mula sa mga mata ng ibang nilalang dito sa ilalim ng dagat. Sa muling pagharap ko sa salamin ay nakita ko ang kaibahan ko sa kanila.   Una kong napansin ang magkaibang kulay ng aking mga mata. Kahit sa hinuha ng mga sirena at sireno na nakakakilala sa akin, alam nilang walang ibang tulad namin ang mayroon nito. Ang aking kanang mata ay asul, na parang sumasalamin sa kulay ng malalim na karagatan. Sa kabila naman ay berde, na siyang kulay naman ng mundo sa ibabaw ng aming tahanan, ang kapatagan.   Isa lang ito sa bagay na pinagkaiba ko sa kanila. Marami pang dahilan ngunit iisa lang ang rason ng aking ina, iyon ay para protektahan ako. Ngunit minsan ay nagnanais din ako ng ibang bagay. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad sa aking inang reyna dahil mayroon siyang utos na matagal ko nang sinusuway, na hanggang ngayon ay hindi niya nalalaman. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
319.7K
bc

SILENCE

read
386.5K
bc

NINONG II

read
631.2K
bc

YOU'RE MINE

read
901.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.3K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
277.9K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
260.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook