“Sigurado ka po ba, prinsesa?” kabadong tanong ni Georgette sa akin isang umaga. Tumango ako habang sinusuklay ang aking buhok. “Yes, Georgette. Okay lang naman sa akin kung hindi ka sasama," sagot ko naman sa kaibigan Agad naman siyang umiling sa aking tinuran. “Naku! Hindi po, prinsesa. Sasama po ako kahit saan pa kayo mapunta. Hindi po pwedeng hayaan ko na lang kayo mag-isa!” pinal na sagot niya na mukhang desididong-desidido sa sinabi. “Hindi mo kailangang sumama kung napipilitan ka lang, Georgette. Okay lang naman. Mag-iingat ako. Magiging maayos lang ako.” Hinarap ko siya at nginitian. Sinsero rin ako sa sinabing iyon. Tatlong araw ang nakakalipas simula noong magkasama-sama kaming tatlo nila ina at Kuya Alon. Pagkatapos noon ay naging abala muli sila sa