“Miss…” Isang baritonong boses ang pumukaw sa aking atensyon. Dapat ay lilingunin ko si Georgette noong marinig iyon. Naantala ang pagtawag ko sa kaniya at kahit napipilitan ay nagawa kong tingnan ang tumawag sa akin. Pakiramdam ko ay pansamantalang tumigil ang t***k ng puso ko nang magkaharap kami. Halos dalawang dipa lang ang layo namin sa isa’t-isa. “Hello, magandang binibini. Kasama ka rin ba sa yate?” tanong pa nito at itinuro pa ang kulay puti na sasakyang pangdagat na nasa kaniyang likuran lang. Isang lalaki na umaabot hanggang balikat ang kulay itim na buhok ang nasa aking harapan. May suot siyang itim na salamin para na rin proteksyon sa init ng araw. Ang mapuputi niyang ngipin ay nakalabas habang may malaking ngiti sa mga labi. Pansin na pansin rin ang pamum