“Lana, anak…” Kasalukuyan akong nasa loob ng kwarto at nagtitiklop ng mga natuyong damit. Kaninang umaga ko lamang ito nilabhan ngunit dahil malakas ang simoy ng hangin dito sa tabing-dagat ay mabilis lamang din naman itong natuyo. Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko namalayan na mahigit isang linggo na rin pala na nandito ako sa isla ng Vimgo. Ilang araw na akong malayo sa mga mahal ko sa buhay ngunit kahit kailan ay hindi naman sila nawala sa aking isip. Wala akong magawa kung hindi tumanaw na lamang sa kalawakan ng karagatan. Araw-araw ay napapaisip ako kung ano na ba ang lagay ng aking pamilya. Hindi na abot dito kahit kausapin ko sa isip si Georgette. I am always praying that they are far from any danger. Sana ay tumigil na rin ang mga prinsipe na iyon dahil wala nama