“Bago pala iyon ay pormal muna kaming magpapakilala sa ‘yo. Pasensya ka na at kanina pa ako daldal nang daldal ay hindi mo pa lubusang alam ang aming pangalan.” Napakamot si Aling Mercedes sa ulo. Wala lang naman iyon sa akin dahil narinig ko nang tinawag nila ang pangalan ng bawat isa kanina kaya nalaman ko na rin. Sa tingin ko nga ay dapat ako pa ang humingi ng paumanhin sa kanila dahil ako iyong hindi pa nagpapakilala. Ngunit kahit na ganoon ay tinanggap pa rin nila ako sa kanilang pamamahay. Para hindi rin mapahiya ang maybahay ay nakangiting tumango na rin ako. “Poldo, halika nga rito!” tawag ng babae sa kaniyang asawa na sakto ring kalalabas lang mula sa kusina. May hawak siyang isang tasa sa kamay habang may nakasampay na puting tuwalya sa leeg. Pareho rin pal