“Nanay Cedes…” wika ng baritonong boses na nagmumula sa kabilang linya. Napahinto ako sa dapat kong sasabihin na pagbati pabalik dahil sa pamilyar na boses na iyon. Dalawang salita lang iyon at hindi pa ako ang tinutukoy pero sapat na ito para pakabugin ang aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagwala ang mga paru-paro sa aking tiyan. Pakiramdam ko rin ay bahagyang nanginig ang kamay kong may hawak sa telepono. Ang boses na ito… sobrang pamilyar ang boses ng lalaki na nasa kabilang linya. Hindi ako maaaring magkamali. Hindi ko man siya nakikita ngunit kahit kailan ay hindi ko makakalimutan kung gaano kaperpekto ang kaniyang mukha at kung paanong panghihina ang naibibigay ng kaniyang boses sa akin. “Nanay Cedes, are you there?” Nawala lang ako