“Si Chantal po ba ‘yon, ‘nay?” maya-maya ay tanong ko kay Nanay Cedes nang mapansin na tapos na tapos na niyang kausapin si Tatay Poldo. Nakuha naman agad ni nanay ang ibig kong sabihin dahil nakita niya yata akong nakatingin doon sa litrato. “Oo, anak. ‘Yan ang anak ni Sir Austine na si Chantal.” Pagkumpirma naman niya sa hinuha ko. Kanina ay pansamantala nang nabawasan ang kaba ko ngunit nang marinig ang tinuran niya ay kaagad na bumalik iyon. Huminga ako ng malalim bago pasimpleng inilibot ang paningin sa paligid. Bukod sa malaking litrato ni Chantal ay wala na akong nakita pang iba. Kahit saang sulok ay hindi ko makita ang mukha ng magiging amo ko kahit na sa litrato man lang. Ang bata ay wala rin, siguro ay kasalukuyan na siyang nasa kwarto at natutulog. Malapit na