“Bilisan ninyo. Paakyatin ninyo na lang muna ang iba rito!” “Ang mga gamit sa ibaba. Ilipat na lang muna ang lahat ng mga mababasa!” “Ano ang nangyayari? Maglulubog na ba ang barko?” “Bakit kami magsusuot ng ganito? Paluwas lang kami pero bakit parang ito na rin ang huli?” “Sandali lang po. Kumalma po muna ang lahat!” Hindi ko na namalayan na tuluyan nga pala akong nakatulog kanina at mukhang napahimbing iyon, hanggang sa makarinig ako na para bang nagkakagulo sa paligid ko. Samu’t-sari ang bulungan na napupunta na sa tensyon. Pakiramdam ko rin ay ang lamig ng paligid. “Panginoon, nawa po ay gabayan ninyo kami ng aking anak at lahat ng mga kasama ko ngayon. Ilayo ninyo po kami sa anumang kapahamakan at nawa po ay makarating kami ng ligtas sa aming