“Mag-iingat kayong dalawa roon. Kapag minaltrato kayo ng inyong amo ay ‘wag kayong mag-aatubili na umuwi rito,” wika ni Tatay Poldo sa aming dalawa ni nanay. Kasalukuyan kaming nandito sa pier na matatagpuan din dito sa bayan. Alas-sais pa lang ay naririto na kami kahit na alas-otso pa ang alis ng barko. Kapag naaalala ko na tatawid kami ng dagat ay hindi na ako mapakali. Mali. Noong araw na nalaman ko na ‘yon ang tanging transportasyon para makarating sa Maynila ay hindi na ako mapalagay. Kung saan-saan nakakarating ang aking utak dahil sa pangamba. Paano kung mahulog ako sa tubig? Siguradong babalik ako sa pagiging sirena. Paano kung makita ako ng mga tao lalo na si Nanay Cedes? Hindi ko alam kung paano ko maipaliliwanag iyon sa kaniya at natatakot ako na baka hindi niya m