“Hindi ako nagbibiro. Mamamatay kayo kapag hinawakan ninyo ako…” A cunning smile crept in my lips that was enough to shake their unshaken world. Simula noong nakilala ko ang mga prinsipe sa mundo na pinanggalingan ko ay nagsimula na ring umikli ang pasensya ko. Hindi naman kasi ako iniinis ni Georgette kaya kahit paano ay nasanay ako na parating kalmado, liban na lamang kung nanonood kaming dalawa ng nakakatakot na programa sa telebisyon. At ang mga nilalang na nasa harapan ko ngayon ay sinusubok ang igsi ng aking pasensya. Nabalot din ng katahimikan ang paligid sa loob ng ilang sandali, ngunit pagkaraan ay hindi ko inaasahan ang pagbunghalit muli nila ng tawa. Halos bulabugin noon ang katahimikan ng gabi. Napahawak sila sa kani-kanilang mga tiyan dahil sa sobrang kasiyahan.