“Ang kikisig naman ng mga lalaking iyon, prinsesa…” maya-maya ay turan ni Georgette habang binabagtas namin ang daan pabalik ng palasyo. Ramdam mo ang kasiyahan sa kaniyang boses. Pagkaraan ay humagikhik na animo ay may kung anong kumikiliti sa kaniya. Napangisi na lang ako at napailing. Kaagad na bumalik sa aking balintataw ang imahe ng lalaking kanina ko lamang nakita. Hindi agad ako nakapagkomento dahil nagsalita siyang muli. “Grabe, prinsesa. Alam ko naman na makikisig ang mga sireno sa kaharian natin pero wala silang panama roon sa dalawa. Ganoon ba talaga kagwapo ang mga taga-lupa?” dugtong na wika pa niya. Napahinto ako sa paglalangoy nang pumwesto siya sa aking harapan. Magkasalikop ang dalawa niyang kamay habang namumungay ang mga matang nakatingin s