Chapter Twenty-Five

2247 Words

Matulin na lumipas ang mga araw. Dalawang linggo. Dalawang linggo na agad ang nakararaan simula noong mangyari ang pagtatagpo sa pagitan namin ng prinsipe ng Watercut na si Bruce. Nagpasya akong manatili na muna rito sa loob ng aking silid at pahupain ang sitwasyon bago magliwaliw sa labas. Dalawang linggo ko nang pinipigilan ang pagkainip na nararamdamang pagkabagot, pero wala naman akong magagawa. Ayaw ko munang pairalin ang katigasan ng aking ulo dahil baka mas malala pa ang mapala ko rito. Hindi nga ako nahuli ng aking ina, ngunit ibang nilalang naman ng Oceana ang nakasalamuha ko. At kung hindi pa nga umaayon ang tadhana ay isa pang maharlika ang nakakita sa akin.     “Hay buhay! Naiinip na ako!” bulalas ko habang nakahiga sa isang mahabang sofa sa aking salas.     Iwinawagwag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD