“S-sandali!” Hindi pa kami gaanong nakalalayo nang marinig namin ang pagsigaw na nagmumula sa mga nilalang na nasa aming likod. Sina Pidol at Georgette ay nasa magkabila kong gilid, at katulad ko ay natigilan din ang mga ito. Hindi na namin nagawa pang lumingon dahil sa isang saglit lang ay nasa harapan na naming muli ang sireno na nagngangalang Bruce. Ang nag-iisang taga-pagmana ng kaharian ng Watercut. “Sandali lang. ‘W-wag muna kayong umalis,” may pagkataranta na wika niya habang ang mga mata ay nakatuon sa akin. Huminga siya ng malalim na waring humuhugot ng lakas ng loob. Ang kaninang pagka-arogante sa kaniyang mukha ay napalitan na ng kakaibang ekspresyon. Mas mukha na siyang mabait ngayon at hindi ako sigurado kung tama ba ang isa pang emosyon na nakikita ko sa