“Pasensya ka na, Georgette…” Malungko akong ngumiti sa kaibigan ko na hanggang ngayon ay natitigilan pa rin. Ilang minuto na ang nakalilipas simula noong lumabas ang aking ina at iwan kaming dalawa rito sa aking silid. Ilang sandali rin ang itinagal ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nagpapakiramdaman. Habang ako naman ay nag-iisip sa sitwasyon na pinagdalhan ko kay Georgette. Noong magsalita lang ako ay saka lang din siya natauhan. Mabilis na nilingon niya ako at hindi magkandatuto sa pag-iling sa akin. “Po? Bakit, prinsesa? Bakit naman po kayo humihingi ng paumanhin sa akin?” nahihiyang tanong niya habang lumalapit sa aking tabi. Mabagal akong bumalik sa aking kinauupuan kanina at malungkot na tumingin sa kaniya. Bakas din ang kalungkutan sa kaniyang m