“L-lagot tayo, prinsesa…” Abala kaming dalawa ni Pidol sa pag-uusap nang marinig ang pabulong na anas ni Georgette. Sobrang hina lang noon ngunit hindi iyon nakaligtas sa aking pandinig. Nag-aalalang binalingan ko siya ng tingin at mula rito ay kita ko ang pamumutla ng kaniyang mukha. Parang may bagay na nagdulot sa kaniya ng matinding takot. Nakaawang ang kaniyang labi at mula rito sa kaniyang gilid ay kitang-kita ko ang pamimilog ng kaniyang mga mata. Wala sa loob na sinundan ko ng tingin ang bagay na kumuha ng kaniyang atensyon at agad na natigilan. “Lagot talaga…” paanas na wika ko habang hindi matanggal ang tingin sa tatlong nilalang na ngayon ay palapit sa aming direksyon. Bahagya akong napaatras. Naramdaman ko rin ang mahigpit na paghawak ni Georgette sa aking k