“Sa loob lang po ng isang buwan ay dalawang prinsipe ang nakatagpo sa ‘yo, prinsesa! Hindi ko alam kung matatawag ko po ba na swerte o malas iyon,” wika niya at muling nagpalakad-lakad sa aking harapan. Sa tingin ko ay mayroon nang tatlumpung minuto ang nakararaan simula noong makabalik kami rito sa loob ng aking silid. Kinuha namin ang pagkakataon para umalis sa lugar na iyon noong pare-pareho silang natulala roon. Base pa lang sa mga tingin na ipinupukol nila sa akin ay hindi na ako nakaramdam ng mabuti. Kung kanina pa kaami rito sa loob ay kanina pa rin nagpaparoon at parito sa harapan ko si Georgette. Kulang na lang siguro ay libutin niya ang buo kong kwarto kung may pagkakataon. Hindi na siya mapakali simula noong makabalik kami. Kaya pati ako ay nadadamay na dapat ay m