Noong unang beses na nagtangka akong lumabas at ipagkaloob sa sarili ang kalayaan na hindi makuha sa aking pamilya ay magkakahalo ang emosyon na nararamdaman ko noon. Takot. Pangamba. Pag-aalala. Ngunit higit sa lahat ng mga iyon ay nangibabaw ang kasiyahan na nararamdaman ko. Natatandaan ko pa na noong unang beses akong makalabas ng aking silid ay napaiyak pa ako sa tuwa. Kahit kailan ay wala sa hinuha ko na makikita ko ang mundo sa labas, akala ko kasi ay habang-buhay na ako na mananatili lang sa apat na sulok ng aking silid. Dahil sa loob nang mahigit na dalawampung taon ay tanging iyon lang ang nakikita ko. Ang aking ina, si Kuya Alon, at si Georgette lang ang aking nakakasalamuha. Sinubukan ko lang ng isang beses hanggang sa nagsunud-sunod ang aking paglabas. Akala ko noon ay h