“Ano ba? Kanina pa kayo, ah? Wala kayong balak umalis? Akala ninyo kung sino kayong magaganda!” Naudlot ang dapat na pag-alis namin ni Georgette nang marinig iyon. Magkasabay pa kaming napalingon at isang galit na galit na sirena ang bumungad sa amin. Tahimik lang ang bulwagan noong pumasok kami. May kani-kaniyang ginagawa ang bawat nilalang na nandito sa loob. Nakikipag-usap sa mga kasamahan at kanilang mga kakilala kaya naman bahagyang nabawasan ang kaba ko kanina. Ngunit dahil sa malakas na boses ng sirena na ngayon ay nasa harapan namin, tuluyan nitong nakuha ang atensyon ng lahat. Sa tingin ko nga ay hindi lang kami ni Georgette ang lumingon dito kung hindi halos lahat ng mga sireno at sirena na nakarinig sa kaniya. “Ano pa ang tinitingin-tingin ninyo? Umalis kayo sa da