“Hindi ninyo rin ba alam na ako ang sirenang pipiliin ni Prinsipe Alon? Sa oras na naganap ang aming pag-iisang dibdib ay sisiguraduhin ko na hindi na kayo matatagpuan sa kahit na anong kaharian dito sa buong Oceana!” Malakas ang boses ni Dianna na animo ay inaanunsyo iyon sa lahat ng mga nilalang na kasama namin dito sa loob ng bulwagan. Siguradong-sigurado rin ang tono ng kaniyang boses na akala mo ay sinabi sa kaniya na ganoon nga ang mangyayari. She has this mocking look on her face. I don’t want to be judgmental though I think it would come out like that, but I could see her as a creature who is so proud of herself. She invalidates others' feelings just to make way on her own. “That is just any moment from now. Just wait and you will see what I am talking about.” Hindi