Akala ko ang pinakamasayang pangyayari sa aking buhay ay noong unang beses akong makarating sa ibabaw ng dagat at makita ang ganda nito, ngunit mas masaya pa rin pala kapag alam mo na wala ka nang itinatago sa pamilya mo. Ang gaan lang sa pakiramdam na darating ang araw na hindi mo na kailangang magtago ng kahit na anong sikreto sa mga mahal mo sa buhay. Kapag ayos ang lahat sa pagitan ng iyong pamilya, pakiramdam mo magiging ayos na rin ang lahat ng mga darating pa. Mas magiging magaan dahil alam mo na mayroong pamilya na dadamay sa iyo. “You have to apologize to Georgette, Kuya Alon.” Pagkatapos nang mahabang pag-uusap at pagpapaliwanagan kanina ay nakuha ring tanggapin ni Kuya Alon ang lahat. Alam namin na naging mahirap lahat sa umpisa ngunit sabi nga ni ina, sa huli ay i