Chapter Thirty

2972 Words

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Walang nagsasalita at tanging hikbi lang na nagmumula sa aming dalawa ni Georgette ang maririnig. Ang aking ina naman ay tahimik na umiiyak sa isang tabi.     Hindi ko inaasahan na maririnig ang lahat ng iyon mula kay Georgette. Simula pa noong unang ipakilala siya sa akin ng aking ina na siyang makakasama ko habang nandito lang ako sa silid ay kakikitaan ko na siya ng pagiging mabait. Pinakita niya agad ang pagiging totoo niya kaya hindi naman naging mahirap na pakisamahan namin ang isa’t-isa. Naging mabuti siyang kaibigan sa akin at itinuring ako na parang kapatid.     Habang nakikinig sa kaniya kanina ay may kung anong humaplos sa aking puso. Hindi ako sanay na makarinig ng katulad noon mula sa kaniya. Madalas kasi ay puro pagpapa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD