“Kapag ba hinalikan ka ng isang lalaki… a-ano ang ibig sabihin noon?” nananantiyang tanong ko sa aking kaibigan. Gusto ko lang makakuha ng ideya o ng opinyon mula sa iba. Sa tingin ko ay mas mapapanatag ang loob ko kung may mapagsasabihan ako. Baka sakali na pagkatapos nito ay mawala na sa isip ko ang bagay na iyon. Ngunit siyempre, hindi ko naman direktang sasabihin kay Georgette ang nangyari. Baka himatayin pa siya kung nagkataon. Hinihintay ko ang sagot niya nang bigla siyang tumili. Halos mapatalon ako sa aking kinauupuan dahil sa gulat kasabay nang pagtakip ko sa magkabilang tainga dahil sa lakas ng kaniyang sigaw. “Ano, prinsesa? S-sino ang humalik sa ‘yo?!” sigaw niya na halos bumingi sa akin. Pakiramdam ko nga ay nabulabog ang buong karagatan dahil sa pag-aling