“Sasama na ako sa ‘yo, prinsesa.” Nandito ako sa loob ng aking kwarto at naghahanda para sa pag-alis ko mamaya nang magsalita si Georgette. “Sigurado ka ba?” naninigurong tanong ko. Tinanguan niya ako. “Opo, prinsesa. Ipagpapaliban ko na muna siguro ‘yong gagawin ko," desididong sagot niya sa akin. Nginitian ko siya. “Ayos lang, Georgette. Unahin mo ‘yang gagawin mo. Kaya ko naman mag-isa,” sagot ko at muling humarap sa salamin. Ayaw ko naman na unahin npa niya ako kaysa inaasikaso niya. Baka importante rin iyon. Sinusuklay ko ang aking buhok. Nakahanda na rin ang damit na susuotin ko sa aking paglabas mamaya. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon bago lumabas. “Mas mapapanatag po ako kung sasama ako, prinsesa. Sigurado rin naman po na hin