“Ano itong binabasa mo, Lana? In love ka ba?” Isusubo ko na sana ang cake na kanina pa akong tinatakam-takam. Malapit na iyon sa aking bibig ngunit agad akong napahinto nang marinig ang tinuran ni Kuya Alon. Mabilis pa sa alas-kwatro na nilingon ko ang aking kama kung saan naiwan ko ang librong binabasa kanina. At ngayon nga ay hawak-hawak na niya ang dalawang pulgadang kapal ng libro na kanina ay hawak ko. “Ano ito? Bakit nagbabasa ka ng ganito? In love ka ba?” Nakakunot ang noo niya habang mariin ang pagkakatitig sa akin. Hirap na hirap akong napalunok na akala mo ay may nakabikig dito kahit na wala pa naman akong kinakain. Pagkatapos ay kinakabahan akong napatawa. Hinila ko rin siya para makaupo sa aking tabi. “Ha? A-ano’ng sinasabi mo, Kuya Alon?” kunwari