“Sige na, anak. Magpahinga ka na muna. Alam kang napagod ka sa mga nangyari ngayon.” Matapos naming pag-usapan ni ina ang magiging plano namin sa darating na Oceana’s Behest ay nagpasya siyang umalis na para hayaan akong makapagpahinga na. Masaya ako na naging maayos ang lahat sa pagitan namin. Hindi ko rin kakayanin kung masisira ang pamilya namin dahil doon… at siguro ay hindi ko kailanman mapapatawad ang aking sarili kung sakali mang mangyari iyon. “Sige po, ina. Sa tingin ko po ay kailangan ninyo rin ng pahinga. Pasensya na pong muli sa problemang aking dinulot,” wika ko pa. Mula pa siya sa pagpupulong at siguradong bago siya pumunta rito ay maraming bagay siyang inasikaso. Nagkataon pang dumagdag ako sa kaniyang isipin ngunit mabuti na rin iyong natapos na ang lah