“Handa ka na po ba, prinsesa?” Kinabukasan ay maagang pumunta sa aking silid si Georgette. Kagabi kasi ay hindi na siya nakabalik dito siguro ay hindi na siya pinabalik ni ina. Okay rin iyon dahil alam kong napagod siya sa mga kaganapan. Hindi naman pwedeng kami lang ni ina ang magpapahinga. Iyon nga lang ay hindi agad ako nakapagpasalamat sa kaniya kagbai. “Hindi pa. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Kuya Alon,” sagot ko. Napabuntong-hininga ako. Ang tinutukoy niya kasi kanina ay sa magiging pag-uusap namin ni Kuya Alon maya-maya lang. Mula pa kagabi hanggang kaninang paggising ay hindi na ako mapakali. Masyado pa namang maaga kaya siguro ay hindi pa pupunta rito sina ina. Mayroon pa akong oras para makapaghanda kung sakali. “Kaya mo ‘yan, prinsesa. Pa