“Ano ang pinag-uusapan ninyo?” Natigil ang pag-uusap namin ni Georgette nang marinig ang pamilyar na boses ni Kuya Alon. Magkasabay kaming napatingin sa hamba ng pinto kung saan nakatayo roon ang nakatatanda kong kapatid. May tulak siyang cart at sa ibabaw noon ay puno ng pagkain. Nakataas ang kilay niya sa amin habang nagsisimula na ring umibis papunta sa parte kung saan nandoon ang komedor. “T-tulungan ko lang po ang prinsipe, prinsesa…” bulong ni Georgette sa akin at nagmamadaling nagtungo sa kinaroroonan ng aking Kuya Alon. Tumango na lang ako kahit na hindi na niya iyon nahintay. “A-ako na po r’yan, Prinsipe Alon.” Narinig kong turan ni Georgette kay kuya. Nakaupo ako rito sa harap ng vanity mirror ko at pinapanood silang dalawa. Kinuha ni Georgette