May mga tanong na nagpapagulo sa ating isip na gusto nating malaman ang mga sagot ngunit hindi naman natin magawang itanong sa mismong magbibigay sa atin ng kasagutan. Nahahati ka sa pagitan ng kuryosidad para hindi tuluyang malunod sa pag-iisip, at ang isa naman ay sa takot at pangamba na baka hindi mo magustuhan ang totoong kasagutan. Kung tutuusin ay simple lang naman ang katanungan ko. Walang kaso iyon kung itanong ko kay Kuya Alon, ngunit hindi ko alam kung bakit kay Georgette ay walang kahirap-hirap kong naitanong iyon, samantalang sa mismong pamilya ko ay hindi ko magawang maisatinig ang kung anumang nagpapagulo sa akin. Matagal ko nang naiisip iyon ngunit hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin dahil baka masyado lang akong nag-iisip. Hindi ko maintindihan sa sarili ko ku