“What is happening here?!” Pakiramdam ko ay nagkagulatan kami ng mga bagong dating pero sa tingin ko ay mas nagulat sila. Mukhang hindi nila inaasahan ang maabutan dito sa bulwagan. Ilang dipa ang layo mula sa kinatatayuan namin ni Georgette ay nandoon ang anim na mahaharlika at kasama na nga roon ang aking ina at si Kuya Alon na ngayon ay hindi maipinta ang mukha. Bukod sa pagkagulat ay mas nangingibabaw roon ang pag-aalala. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanila dahil nahihiya ako. I failed them again. Parang puro kapahamakan na lang ang maibibigay ko sa kanila. Sa pag-iwas ko ng tingin sa kanila ay nailipat naman iyon sa isang pamilyar na mukha—sa prinsipe ng Watercut na si Prinsipe Bruce. Sa kabila ng pagka-arogante ng kaniyang mukha ay mababakas ang pagkamangha at pagkagul