Chapter Forty Two

2235 Words

“Masaya na ba kayo na inilalagay ninyo sa isang alanganing sitwasyon na walang pagpipilian ang isang sirena?” Namutawi ang malamig na tinig sa mga labi ng aking ina. Kung kanina ay mayroong magandang ngiti na nakapaskil dito.     Napahinto naman sa pagtatawanan ang mga kalalakihan na pinangungunahan ng dalawang prinsipe. Dahil walang pagpipilian ay nandito kaming dalawa ni Georgette sa unahang mesa. Kami lang ang magkasama rito ngunit sa katabi ay nandoon si Dianna at ang ilan pang mga sirena. Pare-parehong nakatingin ang mga ito sa akin at kung tatanungin ninyo ay pare-pareho ring masama ang tingin nila sa akin sa hindi malamang dahilan. Maiintindihan ko kay si Dianna kung bakit ganoon, pero ang dalawa pa niyang kasama ay hindi ko alam kung bakit matatalim din ang mga matang nakatingin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD