Kenji Tamayo’s PoVㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ “Eto kasing tanga na ‘to e!” “Ako pa? Sino ba hindi nagbantay?” “‘Wag na kayong magsisihan, kayo naman lahat ang may kasalanan." “Anong punto mo? Wala kang kasalanan?” “Syempre pogi e, special ba.” “Ulol.” Nag-dive ako sa kama at tinakpan ng unan ang tenga ko, nandito kami sa bahay ng lola ni Warren. Nagsisisihan sila. Bakit? Tumakas lang naman ang magaling na killer. “Nagbihis pa kasi, sinabi nang maiwan ang iba e.” “Kayo nga na hindi na kailangan magbihis, umuwi pa rin. Ang kati-kati ng costume namin!” “Ugok! Napagod ang lalamunan ko dahil sa kakasalita sa mic kaya kailangan kong uminom. Mahirap na, baka tumawag na naman ‘yung istasyon na nangungulit sa’kin para maging talent nila. Balak ko pa namang pumayag na.” “Talent daw! Baka pagtitindahin ka